"Manager!" I heard him yell. I looked at him with annoyance at saka na nagpatuloy sa paglalakad. "Hoy. Ang sungit ha. Masama gising?" he asked when he reached me.
"Wag mo kong kausapin. Nagsabi ka sa akin na maaga kang gigising. Anong petsa na, Elmo?!" I yelled.
"Shhhhh!!!" he said and covered my mouth. "Baka may makarinig sayo. Dudumugin ako." he whispered. Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko at saka siya tinignan ng masama.
"Edi sana hindi ka na lang sumama. Volunteer ka pa sumama saken sa grocery takot ka naman makita ng tao. Late pa gigising. May trabaho pa kaya ako!" sabi ko sabay lakad uli palayo. Bwiset kasi. Nagvolunteer pa na sasamahan ako mamili for Joey’s 7th birthday tapos takot na makita ng tao. Leche talaga tong kumag na to. Walang utak minsan eh.
"Uy. Sorry na. Joke lang kasi yun. Bati na tayo."
"Hay nako. Wag mo ko kausapin sabi eh." iritang sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako pinahinto sa paglalakad. "Tsk. Bitawan mo nga ako! Ang clingy mo!"
"Bati muna kasi tayo. Ang liit na bagay lang papalakihin pa ba natin to? Sorry na kung late akong nagising. Eh kasi nag-inuman kami nila Gino kagabi eh. Ayun."
"Inom-inom kasi hindi naman kaya panindigan promises. Nako."
"Wag ka na kasi magtampo. Ito na nga andito pa din naman ako oh." he said. "Sorry na."
"Ts."
"Libre kita ng breakfast. Bati na tayo please?"
"Bahala ka." I said.
"Bati na tayo ha? Ikaw pa date ko sa launch ng new endorsement ko. Hahaha. Kaya halika na. Maggrocery na tayo para makapagprepare na for Joey’s party!" sabi niya and held my hand as we walk along the grocery store.
"Si Elmo Magalona ba yun?" we heard a girl said habang namimili kami. Elmo looked at them sabay ngumiti ito sa kanila. Obviously, kinilig ang mga babae sa kanya. Sus. Di ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng kumag na to?
"Girl, kasama niya ata girlfriend niya." sabi nung isa.
"Ha? Alam ko single siya ngayon eh."
"Eh bakit? Malay mo kaya di niya sinasabing may girlfriend siya kasi ayaw nila maissue. Kaw talaga." sabat naman ng isa.
"Hm. Sabagay. Sa ganda ng girlfriend niya baka gawan sila ng issue. Pero hindi artista yung girl no?"
"Yeah. Pero she looks familiar. Parang nakita ko na siya sa isang magazine."
"Manager, sikat ka oh. Pinagchichismisan ka." Elmo teased.
"Oo nga. Mali pa chismis. Sus." I said.
"Ayaw mo nun? Girlfriend daw kita!"
"Kadiri." I answered. I cleared my throat and faced the 3 girls. "Hi, fans kayo ni Moe?" I asked.
"Ha? O-opo. Sorry kung nakakaistorbo kami sa inyo."
"Ay okay lang yun. Haha. Just wanna clear things up. Di kami magboyfriend. Bestfriend ko lang siya. Kaya pwede pa kayo." I said and even winked at them.
"Julie Anne! Ibugaw daw ba ko?" Elmo hissed.
"Anyway, sa inyo muna siya ha? Mamimili muna ako." I said tsaka na ko nagmadali maglakad palayo.
"Julie!!" I heard him shout. Tumingin ako sa kanya at saka ko siya binelatan. "Julie Anne!" he yelled again. I heard him running after me. Nang mahabol niya ko ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Anong trip yun?"
"Wala lang. Hahahahaha."
"Trouble ka talaga. Muntik na ko mamatay dun ha." He said as he scratched his head.