The Broken Man

3K 62 15
                                    

"Bro. Move on." Tapik sa'kin ni Ken sa balikat ko. Nakamokmok na naman kasi ako ngayon sa isang sulok habang binabalikan ang mga ala-ala namin ni Angeline.

Ang babaeng labis kong minahal, ipinagkait at higit sa lahat ipinaglaban. Hindi ko lang kasi matanggap na pagkatapos ng lahat ng aming pinagdaanan at nilagpasang problema ay mawawala lang siya ng ganon kadali.

Mahal ko siya, at mahal niya ako. Marami kaming pangarap para sa isa't-isa pero hindi na namin maaabot dahil wala na siya. Paano ako mag papatuloy ng buhay ko kung siyang insperasyon ko ay biglang naglaho? Paano ko na ngayon papanindigan yong nasimulan namin kung wala na siya?

Halos araw-araw kaming magkasama noong nabubuhay pa siya kaya hindi ganoon kadali ang bumangon at maging masaya sa umaga kung alam kong wala na ang babaeng pinaghuhugatan ko ng lakas ng loob para lumaban at maging masaya.

"Hoy Brent! Ano? Tutunga-nga kana lang ba diyan? Papabayaan mo ba ang sarili mo dahil lang sa pagkawala niya? Brent naman oh! Magpakalalaki ka nga. Sa tingin mo ba natutuwa si Angeline sa ginagawa mo sa sarili mo? Pinapatay mo ang sarili mo Brent."

"Ken. Pwede iwan mo na muna ako? Gusto kong mapag-isa."

"Wow Brent. Mapag-isa? Eh diba halos araw-araw kana mang nag-iisa?"

"Ken! Leave me alone." Sigaw ko sa kanya. Lalo lang akong nasasaktan sa mga sinasabi niya eh.

"Okay. Iiwan kita mag-isa. Pero ito ang tatandaan mo, ito na ang huli nating pagkikita."

"Wala akong pakialam. Basta iwan mo na ako."

Pagkasara niya ng pintuan ng Condo ko ay kinuha ko na naman yong isang kahon ng beer. Halos araw-araw akong umiinom para mabawasan yong sakit dito sa puso ko. Naaalala ko pa dati nong una kaming nagkakilala ni Angeline.

"Huhuhu. Bae bakit mo ako iniwan? Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" Umiiyak siya sa Parke nong time na nakilala ko siya. Akala ko kung sinong bae yong tinutukoy niya.

"Hi! Sinong bae ba ang iniiyakan mo?" Tanong ko sa kanya. Nong una di siya sumagot bagkus ay mas lalong lumakas yong iyak niya. Parang bata siyang inagawan ng candy nong time na yon. 16 years old ako non samantalang siya 14.

"Huhuhuhu. BAE! I NEED YOU. BAE!" Malakas niyang hagolhol. Matapos ang pag-iyak niyang yon tumayo siya at kinausap ako.

"Si Bae ay ang dog bestfriend ko." Sagot niya sa'kin. Halos matawa ako nang malaman kong aso lang pala yong iniiyakan niya.

"Ba't nagpipigil tawa ka dyan?" Asar niyang tanong.

"Wala!" Sagot ko.

"Ako nga pala si Angeline Chavez. Sa CMNHS ako nag-aaral."

The Broken Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon