Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Bumangon ako at nilingap ang paligid. Hinahanap ang orasan sa tabi ng higaan ko.
Pero hindi ko makita ang orasan.Nanlaki ang mata ko ng marealize na hindi pala sakin kwarto ito.
'Saan ako?!' At kanino bahay to?!
Nagsusumigaw kong tanong sa isip.Lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong wala akong kahit anong saplot sa katawan.
Tanging kumot lang ang nakatakip sa pang ibabang bahagi ng katawan ko.Dali dali kong hinila pataas ang kumot para matakpan ang dibdib kong masyadong naka-expose.
Ano bang nangyari ba't nandito ako?
May namantala sakin?!
Halos maiyak ako sa isipin na may namantala nga sa katawan ko.
Nananakit ang buong katawan ko na para ba akong binugbug lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko.'Pano na ito?! Hindi pwede mangyari to?!
Agad akong tumayo kahit na nananakit ang buong katawan ko. Hila-hila ang kumot pangtakip sa katawan ko at hinanap ang mga damit.
Dali-dali ko itong isinuot ng makitang nakasampay sa sofa malapit sa kama.
Palabas na ako ng pinto ng mapansin na may isang note na nakapatong sa table katabi ng pinto.
"I'm the happiest man on earth, my love, my wife to be"
Napanganga ako ng mabasa ang note.
Si Kenneth ba nakatalik ko kagabi?My groom to be. Sya nga.
Ilang months na din ay malapit na kaming ikasal.Pero ba't kailangan nya pang gawin to, malapit na din kaming ikasal. Ilang buwan na lang ang nalalabi.
Bahagya akong nainis ng maisip na hindi man lang nakapag-antay na gawin ang bagay na iyon sa mismong kasal namin.
Binuksan ko na ang pinto at para magulat sa aking nakita.
"Hi! Gising kana pala."
Bati nito na may dala-dalang pagkain.Napanganga ako ng makilala kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Sir—?"
Andrie Gutierez
Instructor ko ng college.
Scratch that. My ex boyfriend!Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari bigla na lang nandilim ang paningin ko.
YOU ARE READING
You're all that I need
RomanceLovestory na sa umpisa ay bawal. Hanggang kailan nila mapapaninidigan na walang mali sa pag-iibigan nila. Meet Gwen Reyes. An IT student who fell inlove with her instructor. Pero susubukin ng tadhana ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa hindi na m...