[2]

27 0 0
                                    

                     ~*~

Bahagya muna ako sumilip sa faculty bago tuluyang pumasok.

Lumapit ako kay sir na nakatalikod at may pinapanood sa laptop unito.

Psh! Nanonood lang pala.

"Ahmm.. Sir—." Tawag pansin ko.

Lumingon sya at tinanggal ang earphone na nakasalpak sa tenga nya.

"Why are you always late Ms. Reyes?" Mataman syang nakatitig sakin.

Eto na naman tayo sa tanong na yan! Napairap kong ani sa isip.

"Sir naman..." hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya. Naman eh! Makatitig wagas.
At wala din naman ako maisasagot sa kanya.

"Alam mo ba na sa pagiging late mo palagi eh pwede ka ng madrop out sa klase ko?"

Hala! Alam ko naman yun. Kaso——

"Kaya bigyan mo ako ng matibay na dahilan para hindi kita idrop out sa klase ko. Masyadong nakakaapekto sayo to. Bumababa na mga grades mo. Paanong hindi, laging kang late hindi mo naabutan yung mga discussion...blah blah blah." Mahabang lintanya nito.

Nanatiling nakayuko ako. Wala naman kasi ako maisip na idadahilan sa kanya. Kung meron man, maniniwala kaya sya?

"Are you listening?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Yes naman po sir."
Kakamot-kamot kong sagot sa kanya.

"Last warning na 'to Ms. Reyes. Hindi na kita pagbibigyan kapag nalate kapa ulit sa klase ko." Seryosong wika nito.
"Are we clear?"

"Yes sir! Salamat po!" Ani ko at humakbang na palabas.

"Oh by the way, pakicheck 'tong quiz nyo last time. Then idistribute mo na rin sa mga classmate mo pagkatapos."

Mang-uutos lang pala dami pang kaekekan ang sinasabi.

"Yes sir. Sige po sir. Salamat."
Agad ko ng kinuha yung pinapagawa nya at lumabas na kaagad ng faculty.

Masyado na akong nasusuffocate sa presence nya. Whew!


Pagpasok ko ng classroom nag-iingay mga classmate ko.
Parang mga kindergarten. Nawala lang saglit ang teacher nagfiesta na.

Tamad akong bumalik sa upuan ko.

"Besyy ano yan?" Tanong ni Trixie.

"Yung quiz to. Pinapacheck ni sir."

"Favorite ka talaga ni sir be. Inggit me." Nanunuksong wika ni Elsa.

"Tumigil ka! Favorite ka dyan. Asan na yung pagkain ko?" Nandidilat ang mata kong tanong sa kanya.

"Kunwari pa 'to! Alam naman namin na busog na busog yang mata mo kakatitig kay sir." Ayan na naman yung pakurot kurot ni Trixie.

"Ayy talaga be. Ayan pa ba. Eh matindi pagnanasa nyan kay sir." Dagdag pa ni Elsa at sabay silang nagtawanan.

Nanlalaki ang mata ko na lumapit kay Elsa at tinakpan ang bibig nito.

"Ang bibig mo! Marinig ka nila. Baka ano pa isipin. Saka anong pagnanasa?! Nababaliw na talaga kayo." Nakasimangot kong sagot.

"Bakit hindi ba?" gagad pa ni Trixie.

Hmm. Kunwari nag-iisip akong napatingin sa taas.

"Kapag hindi sya masungit.'' malawak ang ngisi kong sagot sa kanila.

"Tignan mo. May kalandian ka talagang taglay." napapairap na sabi ni Trixie na may kasama pang hampas sa braso ko.

Aray ha.

"Guys! Guys. Kunting anouncement!"
Lahat ng atensyon namin ay napunta sa nagsalita sa unahan.

"Wala ng klase kasi may biglaang meeting ang mga faculty staff."

Ayon daig pang nanalo sa lotto itong mga kaklase ko sa sobrang tuwa.

Kahit ako malawak din ang pagkakangiti ko.
Sino ba naman ang estudyanteng hindi matutuwa kapag nasuspended ang klase?

Isa-isa ko ng niligpit mga gamit ko.

"Uy! Anong plano? Ang aga pa oh. Ayoko pa umuwi." —Trixie.

"Kain tayo sa mall." suggest ko.

"Okay. May bibilhin din ako sa mall." —Elsa.

Sabay-sabay kaming lumabas at pumunta sa pinakamalapit na mall sa aming school.
Inubos ang oras. At umuwi na ng malapit na maggabi.

You're all that I needWhere stories live. Discover now