[1]

41 0 0
                                    

                    ~*~

"Hello?"
Sagot ko sa kanina pang tumatawag.

"Hello!! Saan kana ba?! Anong oras na malelate kana!!"
Bahagya kong nailayo sa tenga ang cellphone sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

'Makasigaw naman to. Sakit sa tenga ah!

"Ah-hello be. Na-sa jeep pa lang ako traffic pa mandin."
Natataranta kong sagot. Si Elsa yun bestfriend ko.
Baka magalit sakin kapag sumigaw din ako.

"Kanina pa yang on the way mo ah. Yung totoo kakaalis mo lang sa inyo noh?"
Napangiwi ako kasi tama na naman ito.

"Hindi ah! Nasa jeep na talaga ako. Ang ingay nga eh."

Palusot.com.
Actually kakaalis ko nga lang ng bahay namin. At nag-aabang pa lang ako ng jeep papuntang school.

Pinara ko agad ang paparating na jeep.
'Hayyss...Thanks naman at nakasakay na din ako'

"Sige be. Maya na ah. Maingay eh di kita marinig."
Ayoko na kasi humaba pa. Rarat raratin na naman ako nun.

"Sige, bilisan mo! Mamaya nandito na si sir."
Pagkatapos nun agad kong pinatay ang tawag.
Kahit hindi ko man nakikita ang mukha nya alam kong nandidilat na mga mata nito.

                    ~*~

'OMG! Anong oras ako nito makakarating ang haba ng traffic!
Ang bagal pa ng kilos ng mga sasakyan sa sobrang haba talaga ng traffic.

Napapapunas na lang ako sa noo ko. Mukha na akong naliligo sa sarili kong pawis lalo pa't siksikan sa jeep.

After 123456 years nakarating din ako sa school.
Hinihingal akong umakyat sa hagdan. Nasa 2nd floor kasi yung room namin para sa subject ngayon.

Sumilip muna ako ng bahagya sa nakasarang pinto.
Tamang tama nakatalikod prof namin. May sinusulat sa white board.
Dahan dahan akong pumasok at naghila ng isang upuan malapit sa pinto.

Saktong uupo na ako ng lumingon si sir.

"And why are you late again Ms. Gwen Reyes?" Seryosong tanong sakin ni sir.

'Shit!'

"Can you give me one valid reason Ms. Reyes?"

Damn.
Ano isasagot ko?

Nanatili akong nakatayo at pasimpleng sinusulyapan ang mga classmate kong halos lahat nasa akin ang atensyon.
Nag-aantay ng isasagot ko. Yung iba mukha ng matatawa parang nag-aantay kung ano na namang palusot ang isasagot ko.

"Ahmm.."
Wala akong maapuhap na pwedeng sabihin.

"You are wasting my time Ms. Reyes."

Bahagya akong napaigtad ng marinig muli ako boses ng terror naming prof.

"Masyado po kasing traffic sir."
Bahagyang tumaas ang kilay ni sir.
Mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Wala na bang ibang mas kapanipaniwala na idadahilan mo Ms Reyes?"

Narinig kong bahagyang nagtawanan ang mga classmate ko sa likuran.

Shit.
Totoo namang traffic eh. Hindi ba pwedeng maging rason yun.

Bahagya akong napairap at umupo na. Bahala sya kung ayaw nya maniwala.

"I won't tolerate that attitude nextime, are we clear Ms. Reyes?"

"Yes sir."
Mahinang sagot ko.

Bumalik na sya sa pagsusulat sa white board at ako naman kumuha ng notebook para kopyahin ang mga nakasulat sa white board.
Kahit na tamad na tamad akong magsulat.

30mins later....

Like duhh?
Hindi ba napapagod tong instructor namin magsulat?
Kasi ako pagod na pagod na.
Huhuhu!
Ang sakit na ng kamay ko.

Nilinga ko ang paligid. Busy silang lahat magsulat.
So, ako lang pala ang tinatamad magsulat?

Tuluyan ko ng binitawan ang hawak kong ballpen.

"Be tama na yan. Haba na ng sinulat mo." kulit ko sa katabi kong busy magsulat. Si Elsa.

"Hoy, wag mo akong bini-BI." hindi tumitingin na sagot nito.

"Ayoko lang na mapagod ka." pacute ko pang sagot sa kanya.

"Tumigil ka dyan."

Sabi ko na nga ba hindi ako sasamahan nito eh.
Napanguso akong nanahimik.

At last. Tumigil din sa pagsusulat si sir. Nakaramdam din.

"Okay, 15mins break."

"Yown!" bulalas ko sa sobrang tuwa.

"Except for Ms. Reyes. Follow me."

Ayyst!

"Ayie ayie!" panunukso ni Trixie na may kasama pang sundot sa tagiliran.

"Pano ba yan? Mauuna na kami sayo. Kailangan ka ng fafa mo." si Elsa na nakangisi.

Fafa ka dyan. Fatayin ko pa yun eh. Ang sungit.

"Bilhan nyo na lang ako ah." ani ko at tumungo na papuntang faculty.

You're all that I needWhere stories live. Discover now