[3]

11 0 0
                                    

~*~

"Hoy! Gising!"

Sino ba 'tong ang aga-aga pa nambubulabog na.

"Bakit ba? Aga pa eh."
Nakapikit pa ang mga mata kong sagot sa sinumang nambubulabog.

"Aba't lintek na bata ka! Kapag hindi kapa bumangon maliligo ka ng ganito ka aga."

Napilitan akong bumangon at tignan ang tiyahin kong nakapameywang na nakaharap sa akin.

"Ta, naman eh. Ano bang meron? Aga aga pa."
Kakamot kamot sa ulo kong tanong.

"Baka nakakalimutan mo nagpapagising ka. Exam mo ngayon diba?"

Agad kong hinanap ang phone ko para tignan kung anong araw na ba ngayon.

"Nextweek pa yun tita eh. Nakalimutan mo na noh."
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga.

"Nextweek ba yun?"

Hindi ko na sya sinagot at tuluyan ng pinikit muli ang mga mata.

Mayamaya naramdaman ko na parang may humihila sa paa ko.

"Tita ano na naman ba?" inis kong tanong sa kanya.

"Hala, bumangon kana dyan at sabayan mo kami mag-almusal."

"Maya-maya na ako kakain tita. Mauna na kayo pwede?"

"Ayy letseng bata na to! Bumangon kana dyan. Isa!"

"Oo na! Nagsalita ang matanda." napilitan akong bumangon dahil alam kong hindi ako nito titigilan.

Tatlong taon lang naman ang tanda sa akin ng tita ko. At sobrang close kami nito kaya ganun na lang ang pakikitungo ko sa kanya. Minsan talaga nag-iisip siya parang ang tanda-tanda niya na.

Naabutan kong kumakain mag-isa sa mesa si tito Carlos. Asawa ni tita. Magkasing-edad lang naman sila kaya close din kami ng lalaki.

"Oh gising kana pala Gigi. Kumain kana. Asan na tita mo?"

"Natutulog sa kwarto ko." ani ko at naupo na sa bakanteng upuan.

"Ano? Kakain na matutulog pa." halata ang iritasyon sa boses ni tito.

"Niligpit ko lang naman pinaghigaan ng senyorita." sabat ni tita na kalalabas lang ng kwarto ko.

Napahagikhik ako.
"Kaya love na love ko kayo eh." ani kong akmang yayakapin sya.

"Tumigil ka!" Magkasabay pa nilang sambit ni tito. At umiwas sa yakap ko.

"Arte nyo!"
Umupo na muli ako at nagsimulang sumandok ng pagkain.

Ganito kami palagi tuwing umaga kapag walang problema.
Itinuturing na nila akong anak nila kahit hindi naman nagkakalayo mga edad namin.
Ako muna anak nila hanggat hindi pa sila binibiyayaan ng anak.

Masyado akong nagpapasalamat sa kanilang dalawa dahil para na silang mga magulang ko.

Yumao na ang nanay ko. At ang tatay ko naman hindi ko alam kung nasaan na.
Wala din naman akong balak alamin ang kalagayan niya.

Pero tatay ko pa din naman nagpapa-aral sa akin.
Alam kong may communication pa ang tita ko sa kuya nya na tatay ko. At sa kanya dinadaan ang mga tulong pinansyal na kailangan ko sa pag-aaral.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're all that I needWhere stories live. Discover now