Sumuko kana e.

36 1 0
                                        

wala ng pag asa kasi una palang sumuko kana.
Gusto ko nalang matulog ng matulog ng matulog para kahit papano ay mawala ng bahagya ang sakit na dulot mo.
Naiinis ako
Naiinis ako sa sarili ko
Ang tanga ko
pero mas tanga ka.
Alam mo kung bakit?
Sinayang mo e, sinayang mo.
Sinayang moko.
Hindi naman sa nag mamahangin ako
Maraming pang nag aabang dito sa puso ko
pero binaliwala ko.
kasi ikaw yung laman ng puso ko.
Sa tuwing gabi na nag aaway tayo hindi na mapigilan ang pag agos ng mga traydor na luha ko.
At sa pag dilat ko sa umaga ay umaasa ako na sana ayos na tayo.
Sana ayos pa tayo.
sa araw araw na pagiging tao ko dito sa mundo umaasa ako.
Umaasa ako na sana muling maging tayo. Maging isa tayo.

gusto kitang saktan
gusto kitang gantihan
dahil puro sakit ang idinulot mo
hindi ako nabigo
Nasaktan na kita
pero bakit ganon hindi ako masaya
hindi ako masaya sa naging resulta ng pag ganti ko.
Hindi ako masaya na nasaktan kita
mas lalo palang masakit
Mas lalong masakit na makitang nasasaktan ka kasi mahal kita mahal na mahal
Ang sakit, sobrang sakit
pero kahit ganito tayo
ikaw parin ang mahal ko.
Ikaw parin ang nasa isip ko.
At ikaw parin ang nag papatibok sa pusong kong patay na patay sayo.

SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now