Bakit ba?
Bakit ba umabot tayo sa puntong ito?
Bakit ba umabot tayo?
Bakit?
Paulit ulit na tanong sa sistema koHindi naman tayo ganto dati diba?
Hindi naman dapat tayo ganto diba?
Bakit umabot pa sa puntong ito?
Bakit umabot pa sa puntong nagkaaminan na tayo?Bakit kailangan pang umabot tayo dito?
Bakit kailangang masaktan?
Bakit kailangang maiwan?
Bakit kailangang masugatan?Halos sa paulit ulit ng mga pangyayari
Halos masanay na ako
Sa paulit ulit na pangyayari
Nakakayanan ko.Nakakayanan ko ng hindi ka makita
Nakakayanan ko ng hindi ka makausap
Nakakayanan ko ng tumitig ng diretsyo sa mga mata mo
Na para bang hindi ako nasasaktan sa mga sakit at sugat na idinulot mo.Bakit ba ako nasugatan?
Bakit ba ako naiwan?
Bakit ba ako nasasaktan?
Paulit ulit ang taong ko sa sarili ko nung na pagtanto kong hindi nga pala tayo at hanggang dito nalang ako.Alam kong alam mo kung bakit ako nahulog sayo
Alam kong alam mo kung bakit ako nasasaktan dahil sayo
Alam kong alam mo na ikaw yung gusto ko.
At alam na alam mong ikaw yung taong mahal ko.Kaya sana sa paglipas ng panahon at dekada
Masabi mo din sana sakin ang mga katagang mahal kita
Mahal na mahal kita
Mahal kitang kita kona ang kahihinatnan ng kwento nating dalawa.Ako at ikaw
Ikaw at sya
Ang saya nyo diba?
Ako naman tong si tanga taga ayiee lang sa inyong dalawa.Kaya sana sa paglipas ng panahon at delika
Hindi na ako magtatanong kung bakit ba?
Kung bakit ba ako nasasaktan.
Kung sa una palang hindi naman nya talaga ako iniwan.Dahil walang kami sa mundo nilang dalawa
At hinding hindi magiging kami dahil hindi na ako aasa pang mag hiwalay silang dalawa.
At dahil hindi na ako aasa
Hindi na ako magtatanong kung bakit ba.
