Kaibigan

32 1 0
                                    

Hi. Kamusta kana? Naaalala mo pa ba ako?
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba yung mga panahon?
Yung panahon na masaya pa tayo.
Na masaya pa tayo sa isat isa.
Naalala mo pa ba yung araw na yon?
Yung araw na kinailangan kita?
Yung araw na kailagan kita bilang kaibigan?
Siguro nga nakalimutan mo na.
Ang dali ko lang naman kalimutan diba?

Ha ha ha ha sana tunay na yan.
Sana sa susunod tunay na yung mga pekeng mong tawa.
Alam mo nasasaktan na ako.
Paulit ulit na sa sistema ko yung sakit ng ginawa mo.
Alam mo ba yung sakit?
Ang sakit sakit kasi dito e.
Akala ko ba ako lang?

Ang laki na ng pinagbago mo.
Ang layo na natin sa isat isa.
Ang layo na ng agwat natin.
Hindi kona alam kung paano pa ako hihinga
Kasi unti unti na akong malulunod nung iniwan mo ko sa ginta.
Sinabi ko naman sayo na hindi ko kaya
Pero iniwan mo parin ako.

Nakakita ka lang ng bago iniwan mona ako
Para saan pa ang ilang taon nating pag sasama
Para saan pa yung ilan nating mga alaala
Para saan pa yung mga araw na ating pinapasaya
Para saan pa yung pagiging matalik na magkaibigan kung bandang huli iiwan mo lang dahil dyan sa bago mo.
Alam ko namang hindi na tayo tulad ng dati
Alam ko namang hindi na maibabalik sa dati
Alam ko namang wala ng dahilan para bumalik sa dati.

Alam ko sa huli, ako lang yung mag sisisi
Alam ko sa huli, ako lang yung mananatili
Alam ko na ako din yung bibigay sa huli.

Nandyan ka lang naman kapag may kailangan e.
Nandyan ka lang kapag wala kang makausap
Nandyan ka lang kapag kailangan moko.
Hahahaha nakakatawa lang kasi nung kinailangan kita bwisit, nasan ka?
Nasan kana ba?
Kailangan kita ngayon na.

Hindi kona kaya pa tong nararamdaman ko
Gusto na yatang tumigili sa pagtibok ng puso ko
Gusto na yata ng katawan kong humimlay sa malalambot na ulap.
Gusto ng pumikit ng aking mga talukap
Tila gusto ko na lamang ng isang yakap.
Isang yakap na mahigpit
Isang yakap na malupit
At kahit gumamit ng gunting para makupit
Hindi maaalis kasi tunay na nakakapit

Hi Kumasta kana?
Kamusta kana kaibigan?
Palagi mong tatandaan kaibigan
Na palagi lang akong nandito
Na palagi lang akong nandito para sayo
Na palagi lang akong nandito kapag kailangan mo

Sana sa susunod na mag kakaroon ako ng kaibigan
Hindi na katulad mo.
Hindi na katulad mo na binabaliwala ako.
Hindi na katulad mo na hinahayaan lang ako.

Pero salamat parin sayo.
Salamat sa lahat.
Salamat sa ilang taon.
Salamat sa pag kakaroon ng bagong ako.
Salamat sayo.

Hi Kamusta?

Ako lang to.
Yung kaibigan mo.

Ay mali kaibigan mo pa ba?

Basta

Palagi lang akong nandito

KAPAG KAILANGAN MO.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORDSWhere stories live. Discover now