8 years ago.....Pilit na inaabot ni Nicole ang librong gusto niyang hiramin sa kanilang school library, pero hindi niya ito maabot. Hindi kasi siya nakasuot ng high heeled shoes ngayon, dahil naka PE uniform siya. Naaabot niya ang mataas na bahaging iyon ng shelf kapag naka heels siya. Maghahanap na sana siya ng tutulong sa kanya nang sa kanyang paglingon ay may mabangga siya.
Nakasuot ito ng puting polo. Gusto niyang kastiguhin ang sarili kung bakit awtomatikong inamoy niya nang basta na lang ang isang tao na hindi niya kilala.
Mabango. Pasado! sabi niya sa sarili. Nang tingalain niya ito ay nakita niyang seryoso ang mukha nito. Seryosong guwapo, komento ng isip niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang hitsura nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Wala siyang kinakatakutan para bumilis ng ganoon ang tibok ng puso niya. Hindi rin siya kinakabahan. Lalo namang wala siyang sakit sa puso para maging irregular ang tibok ng puso niya.
Nasapo tuloy niya ang kanyang dibdib at hinagod iyon. Parang nahihirapan siyang huminga. May kakaiba pa siyang nararamdaman ngunit hindi niya alam kung ano ang itatawag doon.
"Are you okay?" tanong ng lalaki sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito.
"Ang bilis ng tibok ng puso ko," sabi niya rito.
"May sakit ka sa puso?" nakakunot noong tanong nito.
"Wala nga, eh. Bakit ba 'to ---- "Natutop niya ang bibig nang ma realize kung bakit ganon ang nararamdaman niya, saka siya muling tumingin sa mukha ng lalaki.
Guwapo nga siya, sabi niya sa sarili. But there was more to that. Marami na siyang nakitang guwapo, pero iyon ang unang beses na bumilis ng ganon ang tibok ng puso niya.
"Eto ba yung sinasabi nilang love at first sight?"
"What?" sabi sa kanya ng lalaki.
"Sorry," agad niyang sabi dito ng matauhan siya. Hindi nito pinansin ang sinabi nya, seryoso parin itong nakatingin sa kanya kaya inulit niya ang sinabi.
" I said, I was sorry,"
"What do you expect me to say, 'thank you' that you said 'sorry' ?" sarkastikong tanong nito sa kanya.
"Aba 't masungit na guwapong lalaki, sabi niya sa sarili. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng interes dito.
"'Okay' sabi niya na lang. "Ano nga pala ang ginagawa mo sa likuran ko?"
Tila nagulat naman ito sa tanong niya. " I came here to help you. Nakita ko kasing kanina mo pa gustong abutin yung libro sa shelf na 'to." paliwanag nito sa kanya.
Binigyan niya ito ng makahulugang ngiti. "Ibig sabihin kanina mo pa ko tinitingnan?"
Napakunot-noo ito. "Don't flatter yourself too much," sabi nito.
"Eh, di 'flatter myself 'lang, hindi na 'too much'. sabi niya sabay ngiti.
Lalo pang kumunot ang noo nito sa kanya. "You're crazy," anito.
"It's too soon to be crazy about you," pabirong sabi niya rito.
Hindi na ito sumagot pa sa kanya at iniabot na lang ang librong kanina pa niya gustong makuha. At naglakad na ito palayo.
No! I can't let him go yet. Hindi ko pa siya kilala. Hinabol niya ito at humarang sa daraanan nito. "It's me again. By the way, I'm Kylie Nicole Padilla," you can call me 'Nicole for short," pagpapakilala niya rito at inilahad nya ang kanang kamay, ngunit tiningnan lang nito ang kamay niya. Nakaramdam siya nang pagkapahiya sa sarili pero hindi niya iyon ipinahalata.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
TeenfikceAvisala! Ang story na to ay tungkol sa pag-ibig na nag wakas at muling nag simula. Ang sabi nga ng iba kapag itinadhana kayo para sa isa't isa kahit ano pang mangyari kayo parin sa huli. It's because your meant to be...💙💛