"Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang sasabihin ng mga bisita, Josh? For Pete's sake! Nicole is not even in the program, mabuti na lang at hindi nag react ang pamilya niya kanina." sermon kay Josh ng Lolo niya. Ipinatawag siya nito sa kanilang study para kausapin pagkatapos ng party. Inaasahan na niyang ganoon ang magiging pag-uusap nila.
"Papa, ginawa lang 'yon ni Josh para hindi siya mapahiya sa mga bisita. Imagine the humiliation kung sinabi natin na hindi na matutuloy ang engagement. Pasalamat pa nga tayo kay Josh dahil nakaisip agad siya ng paraan para hindi tayo magmukhang kahiya-hiya," sabad ng Daddy Bong niya sa usapan.
Naikuyom niya ang kanyang kamay. "Hindi naman po siguro ako ang may kasalanan kung bakit tumakas si Sanya, 'di ba? Hindi na siguro natin problema kung hindi sila tumupad sa kasunduan. Hindi ako ang tumakas. Ang mga Lopez ang mismong sumira sa kasunduan na 'to. Dapat wala na tayong problema," sabi niya sa mga ito.
"Kapag hindi natuloy ang pagpapakasal n'yo ni Sanya, Hindi papayag si Roberto na makipag-merge sa 'tin. Hindi tayo magkakaroon ng matibay na pundasyon sa industriya ng produksiyon," sabi ng Lolo niya.
" 'Lo, hindi natin kailangan ng impluwensiya nila, lalo na ng kompanya nila para pumasok tayo sa production industry. Kayang-kaya natin gumawa ng sarili nating pangalan sa industriyang iyon. The Madrid Group of Companies managed to penetrate even the hardest market industries before and it can do so again now," kampanteng sabi niya rito.
"Mahihirapan tayo," katwiran ng lolo niya.
"Everything is hard but we can do it." sagot naman niya.
He needed that scheme for himself. If he failed, he wouldn't get another chance with Nicole again.
.
.
.
.
.
.
.
.hours before the engagement...
.
.
.
.
.
.
.
."NERVOUS?" tila nang-aasar na tanong ng kakambal niyang si John. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa kuwarto niya. Nag-aayos siya ng mga oras na iyon.
"Hindi ba talaga uuwi si Athenah?" sa halip ay tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang bunso nilang kapatid na hanggang ngayon ay hindi nila alam kung saang lupalop nanaman ng mundo naroon.
Athenah was a travel photographer. Kaya't kung saan saan ito napapadpad. Minsan lang ito umuwi sa kanila at kahit nagagalit ang mommy nila ay hindi pa rin ito natitinag dahil alam nitong sa malaon ay mawawala din naman ang galit ng kanilang ina.
"Bakit naman hinahanap mo pa si Rere?, kulang pa ba ang moral support na ibibigay ko sa'yo ngayon?" nakakalokong tanong nito sa kanya.
"Hindi ko nararamdaman ang pagsuporta mo sa'kin."
"Ano ba'ng gusto mong suporta? Gusto mo bang ipagawa pa kita ng Banner? Fireworks display? Balloons?"
"Get lost, John!" naiinis na sabi niya rito.
"Dear brother, kung ayaw mong gawin 'wag mong gawin, pinahihirapan mo lang ang sarili mo." sabi naman nito.
Tiningnan niya ito ng masama. "Handa ka bang akuin ang responsibilidad ko?" nanghahamon na tanong niya rito.
"I can't be as responsible as you. I can't be as perfect as you. Pero ginagawa ko ang lahat para sa kompanya sa paraang magiging masaya pa rin ako at balanse pa rin ang buhay ko. I believe that you can also do that. Ayaw mo lang talagang subukan. Ever heard of the word 'multitasking'?"
Naiintindihan niya kung anong nais nitong iparating sa kanya. Sinubukan niya na ito noon pero hindi siya nagtagumpay. Hindi siya maaaring mag-focus sa dalawang bagay dahil hindi niya nabibigyan ng sapat na atensiyon ang isa. Natatakot siyang kapag sinubukan niya ulit ay masasaktan nanaman siya. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
Teen FictionAvisala! Ang story na to ay tungkol sa pag-ibig na nag wakas at muling nag simula. Ang sabi nga ng iba kapag itinadhana kayo para sa isa't isa kahit ano pang mangyari kayo parin sa huli. It's because your meant to be...💙💛