MTB6: The Newly Engaged Couple!

688 47 41
                                    

back to present....

Hindi inakala ni Nicole na ang kaibigan niya palang si Sanya ang tinutukoy noon ni Josh na pakakasalan nito pagbalik nito sa Pilipinas.  Dalawang taon na itong nakabalik pero hindi pa rin niya nababalitaang naikasal na ito kaya ang akala niya ay hindi na tuloy ang kasal na sinasabi nito noong nasa kolehiyo pa sila. Then, three months ago, Sanya told them that she was getting married to Josh.

Ngayong araw nga ang formal engagement ng mga ito, pagkatapos ay sa susunod na buwan na ang kasalan.

Napailing na lang siya. Hindi na niya dapat pang problemahin ang problema ng ibang tao.

Mukhang affected ka pa rin kasi kay Josh kaya ka ganyan kung mag-isip. At aminin mo, nasasaktan ka pa rin kanina nang maalala mo lahat ng nangyari noon. Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya, kastigo niya sa sarili.

Pinili niyang huwag na lang iyong sagutin dahil alam niya sa kanyang sarili kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat isagot doon. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya.

"Ma'am Nicole," may problema po tayo!" sabi ng assistant niyang si Charity.

Ano daw? Hindi agad rumehistro sa utak niya ang sinasabi nito. Maya-maya pa ay lumapit na rin ang Mommy ni Josh na tila nagpa-panic.

"What?" bulalas niya nang medyo pumapasok na sa utak niya ang sinasabi nang mga ito.

Nawawala raw si Sanya, sagot ng isip niya. Isang oras nang delay ang engagement party nina Josh at Sanya at kanina pa dumating ang lahat ng bisita. Hinihintay na lang ng mga ito na magsimula ang programa ngunit paano sila magsisimula kung wala si Sanya?

"Kanina pa namin siya hinahanap. Kanina pa kasi siya nandito pero ngayon ay hindi na namin siya makita," pagkukuwento ng Tita Jackie niya mommy ni Josh.

"Wala po ba siyang nakasama kanina? Nakausap man lang?" tanong niya rito.

"Hindi ko alam, Nicole. Oh, my God! This is humiliating! Nakakahiya sa mga bisita kung hindi matutuloy ang engagement. Magmumukha pang katawa-tawa si Josh. Sanya!" napu-frustrate na sabi ni Tita Jackie.

"Ano po ang sabi ni Tita Marlyn?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang ina ni Sanya.

"Kanina pa nila tinatawagan ang cp ni Sanya pero hindi nila ito ma-contact. Kanina pa rin nila siya hinahanap pero hindi pa rin daw nila ito makita. Kung ayaw niyang magpakasal kay Josh, dapat matagal na siyang umurong. Hindi ngayong handa na ang lahat at nakarating na ang mga bisita. Nakakahiya!"

Naiintindihan niya ito. Kahiya-hiya nga naman ang dating ni Josh pati na sa pamilya ng mga ito kung hindi matutuloy ang engagement na iyon. Ngunit nasaan si Sanya? Pati siya ay nakaramdam ng frustration. Sayang naman ang ginawa nila kung hindi matutuloy ang engagement na iyon. Pero kilala niya ang kaibigan. Siguradong may matindi itong dahilan kung bakit ito umalis nang walang paalam.

"Tita, baka naman po may pinuntahan lang sandali si Sanya. Baka may kailangan lang siyang balikan sa bahay nila kaya nawala siya rito," sabi niya sa ginang na pilit pinapagaan ang sitwasyon. Somebody needed to be optimistic during those times. Kung magpa-panic silang lahat ay walang mangyayari.

"Sandali? No. Kanina pa tinawagan ni Marlyn ang mga kasama nila sa bahay pero wala raw doon si Sanya. Oh, my God! I don't know how to pull this off. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Papa at sa mga bisita na hindi ito matutuloy. The two old men would surely be furious," naiiling na sabi ni Tita Jackie.

Hindi niya alam kung anong maaari niyang maitulong sa mga ito. Hindi naman kasi niya hawak ang pag-iisip ng kaibigan. Matagal nang wina-warning-an nina Glaiza at Gabbi si Sanya tungkol sa pagpapakasal nito kay Josh pero matindi ang paninindigan nito na magpapakasal. Kaya nagtataka siya kung bakit ito biglang nawala o mas tamang sabihing umurong itong bigla.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon