MTB1: Seeing you again

762 41 8
                                    

Iginala ni Nicole ang kanyang paningin sa paligid. Napangiti siya nang makontento sa nakitang ayos nito. Sinigurado niyang magiging maganda ang ayos ng garden ng mga Madrid para sa kanyang bestfriend na si Sanya. Kailangang maging memorable iyon para dito, lalo pa at sa katulad ni Josh ito magpapakasal.

She smiled to herself. Ni sa panaginip hindi niya naisip na magpapakasal si Josh dahil sa business lang naka focus ang isip nito. Maraming sangay ang negosyo ng Madrid Group of Companies at alam niyang pagdating sa production industry magkakasundo ito at ang kompanya nila Sanya.

Ito ang nakikita niyang dahilan kung bakit magpapakasal ang dalawa. For Sanya it was definitely because of her family and tradition. As for Josh, it was obviously because of business and a much greater influence. Love? Hindi uso sa dalawa ang pag-ibig. Pareho ng personality ang dalawa. Walang ibang mahalaga sa mga ito kundi trabaho. Kung hindi pa nga siguro dahil sa kanila nina Glaiza at Gabbi ay hindi maiisip ni Sanya ang salitang "fun." Eto na rin mismo ang nagsabi sa kanila na hindi nila kailangan--- ni Josh maging in love sa isa't isa para magpakasal. Both of them were too engrossed with the idea of becoming more powerful.

And you're smiling because? kastigo niya sa sarili. Nakakatuwang isipin na magpapakasal ang dalawa. Ano kaya ang magiging buhay ng mga ito?

Probably dull, sabi niya sa sarili.

Hindi ka nalulungkot na ikakasal na ang first love mo?

Pinili niyang huwag nang sagutin ang sarili para hindi niya na din maalala ang nakaraan. Matagal na yon at hindi na dapat isipin ang mga nangyari noon.

Kung ganon, bakit umiiwas ka pa rin sa kanya? Hindi niya alam kung bakit kailan engaged na si Josh ay saka pa lumalabas ang mga ganoong tanong sa isip niya.

She had overcome her feelings for him a long time ago. Hindi na siya kinakabahan sa tuwing nalalapit dito o naiilang kapag tumitingin ito sa kanya. She was definitely over him! Kung may dapat siyang ikalungkot ngayon at dapat din niyang ikasaya ay dahil sa mag on na ang isa pa niyang bestfriend na si Glaiza at Niel.

Nahirapan din siya sa drama ng dalawang yon. Kaya dapat lang na magkatuluyan ang mga ito. Inaamin niyang matindi ang pagkagusto niya kay Niel. Ito ang perfect picture ng Ideal Man para sa kanya. Sinubukan niya pa nga na mapalapit dito. Pero nang nalaman niyang nagtapat na ito kay Glaiza at binasted ito ng huli eh. nakaramdam siya ng simpatya para dito. Kaya tinulungan niya na lang itong ipaglaban ang pag-ibig nito para kay sa kaibigan at nagtagumpay naman sila. Malapit na rin ikasal ang mga ito.

Si Gabbi naman ay siguradong magiging maayos ang lovelife dahil mag on na rin ito at ang kakambal ni Josh na si John. Isa isa nang nagpapakasal ang mga kaibigan niya. May mga kapareha na ang mga ito sa buhay. Siya kaya kailan magkakaroon ng sarili niyang Prince Charming?

"Ma'am Nicole, tapos na po tayo," pagbibigay alam ng tauhan niyang si Charity.

Inayos niya muna ang sarili bago humarap dito. Kilala siya ng mga tao niya na seryoso at istriktong amo. Ang dating malambing na Nicole noon ay parang maton na kung kumilos ngayon.

"Sige pack up na tayo. Then, balik tayo dito ng mga 4:00pm, okay?" sabay sabay namang tumango ang mga tao niya. Masaya siya at efficient ang mga ito kaya hindi umiinit ang ulo niya. At kasundo niya ang lahat ng nasa team niya, kaya mahusay ang trabaho nila.

6 years na din siyang tumutulong sa mama niya sa pamamahala ng kanilang business. Ilang taon na lang ang lilipas at siya na rin ang buong mamahala niyon. Ayos lang naman sa kanya marami naman na siyang alam sa pagpapatakbo ng restaurant.

"Not bad," komento ng isang tinig sa kanyang likuran.

She knew that voice. Nag iisa lang ang tinig na yon na ganoon ang epekto sa kanya.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon