Reveal

1.3K 37 0
                                    

I made her happy today. 1/14/17

3 months na ang nakalipas.



"Vic! Paabot nga ako nung ruler, tech pen, .5 saka .8!"

"Ungas ka ba? Nasa music room tayo! Bakit ka nagdradrafting?!"

"Natambakan ako ng plates!"

"Asan ba si Piglet?"

"Kumakain na naman!"

Ang ingay naman. Mukang kailangan ko siyang makita ngayon. Kailangan ko ng lakas.

Nandito kami ngayon sa music room ng school. Kasama ko si Vic, Kim, Gretchen, Bea at Ella. Si Jovee naman umalis at bumili ng pagkain ni Ella este ni Namin.

Tumayo ako at lumabas ng room. Kailangan ko ng tahimik na lugar. At kailangan ko siyang makita! Napakaingay nila Kim. Parang mga bata! Parang 7 yrs old! Ang lalakas pa magsigawan muntanga at kanina pa ako iniistorbo nitong problema ko. Gusto nyo bang malaman?

Yung equation sa math. Hindi ko masagutan. Huhuhu ibabagsak daw ako ni Sir Sanchez pag hindi ko daw naipasa 'yon. Tapos alam nyo naman pag hindi nakapasa diba? Pero syempre ang #1 pag aasa ng mga estudyante ay REMEDIAL!! Pero sabi ni Sir Sanchez wala na daw second chances or remedial pag ako nag exam. Ewan ko ba 'to sa matandang panot na 'yon! Lagi na lang ako pinahihirapan. Palit kaya kami? Ako teacher sya stundyante? Grabe talaga yang math na yan! Pahirap!

Pero joke lang hihihi. Just so you know guys. I ranked #1 sa MATHalino event namin. #2 sa MATHbirit. Syempre hindi ako bumibirit! Duh.

Pero ito na talaga.

Meron kasing gaganapin na collab daw, ng mga musicians dito sa CRU. Kinukumbinsi ako nila Greta na sumali na raw ako para naman may magawa naman ako sa buhay ko. Pero alam ko namang hindi talaga 'yon ang gusto nila. Ang gusto lang naman nila ay

FREE TICKETS!!!!!!!!

Saka.

CHICKS!! AT PIZZZZZZAAAAA!!

Nakalagay kasi dun sa bulletin board, kung kaninong grupo ang mga may pinakamagandang collab ay makakatanggap ng 2 week vacation. Exempted na sa lahat sa two week na 'yon. 10k each sa performers. Saka pizzzaa 👽.

Ayan kaya kinukumbinsi ako ni Greta, no mali. PINIPILIT pala.

Tinanong ko rin siya kung ayos lang ba. Sabi naman niya, ayos lang naman daw basta masaya ako. Oh diba.

Naglakad ako sa hallway ng building namin. Nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpluan sa di kalayuan. At nakita ko na naman ang mga lecheng officers na 'yan. Makikita ko na pala siya.  Sakto! Monday palang ngayon! Feeling ko may hinding magandang mangyayari ngayon.

Nagtext muna ako kela Vic. Na tatambay muna ako dito sa labas.

To: Vic

Vic, chill out muna ako sa labas. Mukang may riot haha wag na kayo sumunod. Tapusin nyo yang gawain dyan! Saka nandito si Den!

Hindi ko na hinintay mag reply si Vic. Mabagal 'yon eh.

Nagdesisyon akong lapitan ang munting kaguluhan duon. Narinig ko ang mga bulungan ng mga estundyante.

"Ano meron bes?"

"Aba malay ko, bigla na lang nagpatawag yan ng meeting."

"Sayang free cut natin ngayon eh. Kaines!"

Nagtataka ako kung bakit halos lahat ng estudyante ay naririto. At kami naman ni Vic ay nasa music room? What the hell is happening?

Nagtago ako sa pader malapit kinatatayuan nila. Like ayokong makita nila ako. Syempre acting-spy muna! Wahaha

"MAGSITAHIMIK KAYO!"
Narinig kong sigaw nung lalaking naka gray. Jesh yata yung pangalan.

Ang angas naman.

Nagsitahimik naman ang mga estundyante. Wow gusto ko tuloy pumalakpak kasi para ang galing naman nung Jesh, napatahimik niya ang mga estudyante. Sila Mark nga dati hindi nila nagawa yon. Wow talaga ChangeIsComing#

Nanatiling tahimik ang lahat. Sumilip ako ng kaunti para naman makita sila. Nakita ko siya na suot ang salamin niya. Napangiti na lang ako. She is truly my medicine.

Tahimik akong sumisilip ng naramdaman kong may mga dumagan sakin!

Fuck you kung sino man kayo! Mga hayop! Bastos.

Nilingon ko ang mga taong iyon at nalaman kong mga tae sila! Sabi nang wag sumunod eh! Para talagang mga bata aishh! Pano na yung pagiging spy ko?!
Tinignan ko sila ng masama at pinagbabatukan isa isa bukod kay Ella. Hindi pwedeng masaktan si Besh.

"Aray naman Baldo" sabi ni Kim nung batukan ko siya. Napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Ano ba bes! Grabe ka ha!" Sabi naman ni Ara na sinasalag pa yung mga hampas ko sa kanya. Lame para kaming mga baklang naghahampasan!!

"Sabi ko naman sayo wag na kayo sumunod para talaga kayong 5 yrs old!!" Sigaw ko sa kanila.

"Ly! Arruyy!" Batok ko kay Greta. Isa rin 'to. Mga pasaway!!

"Sige batukan mo ko! Susuntukin kita!" Sabi ni Jovee na parang hinahamon pa ako. Ang yabang talaga niya!

"O--ouch! Grabe batok ba yun?!"

Nilapitan ko ang huli, si Bea. Nakita kong tatakbo siya kaya pinatid kona siya. Tuloy, nakapa ibabaw ako sa kanya. Aambang babatukan ko na siya ng sumigaw siya WITH PAMBABAENG BOSES!

"Wait hindi pa ako ready!"




Im dead.



Nakita kong nakatulala sila Jovee sa gilid. At biglang tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA BAKLA KA LY!"

"TYPE MO PALA SI BEATRIZ BESH?"

"SINAKTAN MO ANG PUSO KO BALDO!"

"AKALA KO BA AKO LANG?"

"RUN!!"

Nang tumayo ako ay binatukan ko sila ulit! Lalo na yung nagsabing "Run". Ano rapist ako?
Nakarinig ako ng mga tawa at nilingon ko ulit sila Vic. Nakita ko naman silang seryoso na. Sino yung tumatawa? Pinaglalaruan ba kami?

Pinihit ko ang direksyon ko paharap at talagang nahihiya na ako. Tumigil ang tawa ng mga estudyante. Saka ko lang naalala na may mga nagmemeeting dito! Nakatingin lang sila saming lahat. Pati si Dennise ay nakatingin samin. Halatang nagpipigil siya ng tawa! Bastos ka Dennise!

Nanatili kaming tahimik. Naghihintayan kung sino ang magsasalita. Lihim akong napangiti ng maisip ko ang mukha ni Dennise kanina. Natatawa sya, natutuwa siya. Ang sarap lang sa pakiramdam at sakin siya nakatingin nung oras na 'yon. Napaganda nya talaga.
Ano ba yan! Para na akong baliw dito!

At mukang wala nang magsasalita saming lahat ay unti unti na ako lumakad. Sinensyasan ko na rin sila Ella na maglakad na. Ramdam ko ang titig ng mga estudnyate. Patuloy lang kami naglakad pero napahinto kami ng may tumawag sakin.

"Baldo anak!"  Dahil duon ay lumingon ako at nakita ko si DAD?! Anong ginagawa ni Tanda dito?!

"Anak?"

"Anak niya yan si Ly?"

"Wthatdafu!"

Nagbulung bulungan ang mga estudyante. Wala talaga akong alam sa nangyayari. Nakita ko rin duon sila Tito Arthur, Tito Grey, Tito Elmer, Tito Jovmiel, Tito Mik at Tito Enjie!!

Nagkatinginan kami nila Vic at pare parehas kaming naka nganga. Bat nandito sila tanda?

It's LIBERO lover, boys.Where stories live. Discover now