Reveal Part II

1K 32 1
                                    


Bakit nandito sila tanda?

"Uy Baldo! Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" Narinig kong sabi ng napaka galing kong tatay. Nilingon ko siya at nakita kong nagtatawanan sila nina Tito.

Nagsimula nang mag bulungan ang mga tao.

"Anak nga nya si Ly!"

"I didn't know na related si Mr. Ruel kay Ly"

"Also Mr. Jovmiel. Elemer and the rest."

"Too much revelation!",

Aish! Nakakainis. Bakit pa kasi sa lahat ng lugar na pwede nyang pagsulputan eh dito pa! Pwede namang sa opisina na lang!!

Nilingon ko sila Kim at nakita kong natataranta sila. First time kasing nagkaganito. Aba ewan ko. Lumapit kami sa mga daddy namin at yumakap at bumeso. Nakangisi larin sila samin! Alam naman nilang ayaw namin sa atensyon. Ugh.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko si Dennise na nakatingin rin sakin. Nakanuoot ang noo niya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Napakamot na lang batok at nag ✌ sign. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Itatakas muna namin ang mga tatay namin dito.

"Hoy Aly, nakalimutan mo na yatang nandito pa kami?" Narinig kong sabi ni Dad. Hay bakit kasi mas makulit pa sila samin.

"Hay nako, mga Dads, tara sa office. Pag usapan natin 'to!" Sabi saka sila hinila palayo sa tao. Nagtatawanan rin ang iba mga estudyante dahil pinalagalitan nila Kim sila Tito.

**************************************

"Okay. What brings you here?" 'Yan ang unang tanong ko sa kanila. Malamang! Alangan naman itanong ko kung anong oras na. Okaya naman nag update na ba si Author. Dibuh?

Parang naman kinabahan ang mga tatay namin. Mukang bumaliktad ang mundo.

"Sorry Dad, hindi na po uulit! Si Arthur kasi talaga 'yon!" 'Yan ang sabi ni Dad! Ginagaya pa nya talaga kami!

Pagkasabi ni Dad nyan, nagtawanan ulit.. Pati sila Ella ay tumatawa rin ako lang ang hindi. Grabe naman.

"Kuhang kuha mo Ruel! Hahahahaha"

"Ganyan na ganyan tayo nung hinuhuli tayo nila Dad dati!"

"Lagi nga si Mik yung kawawa noon!"

Tinignan ko lang sila lahat ng masama. Napagiiwanan ako ha?

"Ehem"

"Oy Ly, sorry na. Si Tito kasi eh."
Sabi ni Ella.

Buti pa si Ella nakakaramdam!

"Okay na. Bakit nga Dad?" "Ano meron?" Tanong ko. 'Yan! Nagtanong ulit ako!

Sasagot na sana si Dad nang biglang humarang si Ella. At sinabi

"Mga Dads, Ly, aalis muna kami. Tawag daw kami sa office ni Mam Soriano! Maiwan ka na Ly. Text na lang kami!" Sabi ni Ella at saka isa isa silang bumeso at yumakap samin.

Ng maakalis na sila, tumingin ako kela Dad na kasalukuyang pinapapak yung cake sa ref ko.

"So ano na Dads?"

"Gusto lang namin bumisita. Baka kasi ano na ang ginagawa nyo sa school." Cool na sabi ni Dad. Sus! As if naman paniniwalaan ko 'yan.

"Nope. Hindi 'yun 'yon." Sabi ko.

Tumawa sila Tito Enjie. "Ano ba naman 'yan Valdez! Kabisadong kabisado ka na ni Ly!"

"Syempre naman. Ano ba Enjie umayos ka kokotongan kita" sabi ni Dad habang tumatawa.

It's LIBERO lover, boys.Where stories live. Discover now