★ CHAPTER 3 Mysterious Guy★

201 19 0
                                    

Chapter 3: Mysterious Guy

Ella's P.O.V

"Ay Gwapo nga kaso Mayabang" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka ?" Narinig niya yon?

"Ah. Wala." Sino kaya tong gwapo na to ?

Ngayon ko lang siya nakita sa Campus. Ang gwapo niya . Bakit parang may kabayong naghahabulan sa Dibdib ko ? Anong dahilan ?

"Bakit maga yung mata mo?" Ows? Ngayon lang may na concern sakin ah. How sweet ? Oo na. Kinikilig nako.

Para na talaga akong baliw kanina iiyak iyak tapos kikiligin. Aish! Ewan ko sa sarili ko.

"Ah wala. Napuwing lang ako." I lied. Ayaw ko namang sabihin na ininsulto ako ni Miggy .

"Ah. Akala ko kasi may nang-away sayo eh." Yaahhhhh! Kilig na kilig na ko dito. But wait ! Naalala ko tuloy yung sinabi ni Tracey sakin.

''H'wag kang mag assume na mahal ka ng isang tao dahil pag nalaman mo na hindi ka niya mahal, masasaktan ka lang''. 

"Una na ako, salamat sa time Mr ---" ano nga pala ang pangalan niya ?

"Zach Tolentino" tyaka niya inilahad ang kanyang kamay.

"Micaella Park." At nagshake hands lang kami. After ng scene na yon . Umuwi nalang ako.

First time kong mag cut ng class. Lagot ako neto! Ayaw ko lang naman na makita ako ng mga Classmate siguradong mapapahiya lang ako dahil sa Bakulaw na Miggy na yon !

Naglakad lang ako hangga sa Inuupahan ko. Malapit lang naman.

Aish! Ang lungkot na umuuwi ka sa bahay na walang sumasalubong sayo. Ang hirap na walang gigising sayo tuwing umaga. Ang sakit isipin na wala kang kasama sa bahay wala kang kasabay kumain.

Ang drama ng buhay ko . Pwede na sa MAALAALA MO KAYA. (Mmk).

Ah! Umuulan ba ? Bat may tunig na pumapatak. Tumingin ako sa langit pero wala. Hindi umuulan.

Hinawakan ko ang pisngi ko ah. Umiiyak ako ng hindi ko nalalaman. Ayy.

Kung sanang nandito lang ang tatay at ang nanay siguro may magtatanggol sakin. Kaso wala! Wala akong pamilya. At tanggap ko na yon.

Di ko namamalayan na nandito na pala ako sa Inuupahan ko.

Nasa taas pala yung inuupahan ko. Ayaw ko sa baba. Bakit ? Wala lanh type ko lang.

Umakyat ako para makapagpahinga. Pumunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

"HAAAAAAYYYYYY" ang sarap matulog.

Makatulog na nga. Wait! I tetext ko muna si Tracey baka mag-alala siya sakin.

To: Bes Tracey <3

Bessy, umuwi ako ng bahay . Masama ang pakiramdam ko.

•Message sent •

Nilagay ko nalang yung cellphone ko sa side table. Para makatulog na ako.

Ayy. Naalala ko nanaman yung mga pingsasabi sakin ni Miggy. Parang maiiyak na naman ako. Erase ! Erase ! Erase !

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko .

"Ella anak?" Tinignan ko kung sino yung tumawag sakin . Si mama?

"Mama ? Bat nandito kayo ?" Tanong ko kay mama dahil ang alam ko nasa malayo siyang lugar.

"Anak? Pasensya na hindi kita mahalagaan." Bakit umiiyak si mommy?

"Mama? "  di ko narin mapigilang maluha dahil palayo ng palayo si mama.

Nerd Turn's Into A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon