★ CHAPTER 1 ★

443 16 8
                                    

Chapter 1: Bullied Girl

Micaela's Point of view

"Krrrriiiiiiiinnnnnngggggg" Buwiset! Kulang pa ko sa tulog. Bat ba ang aga nag alarm ng alarm clock ko ngayon ?

Ano ba may okasyon ba ? Or what ?

Pinatay ko na lang yung alarm clock para makapagisip ako ng mabuti .

Ano nga ba ngayon ? Wala naman akong trabaho sa Carinderia ngayon .

Geez! Oo nga pala. Patay late nako. May pasok na.

Dali-dali akong nagpunta sa banyo para maligo. Mga 5 minutes lang siguro tapos na agad ako.

Nagbihis na lang ako at humarap sa salamin . Ang ganda ko pala talaga kapag wala akong salamin. Ano ba tong iniisip ko, kahit kailan di nako magiging maganda.

Kinuha ko na lang yung favorite na bagay sa buhay ko . Ang aking..

Makapal na Salamin .

Pagkatapos kong suotin yon. Lumabas na agad ako para maglakad papunta sa school sana hindi ako ma late. 

Tumingin ako sa relo ko sh*t! 6:55 na ? 5 minutes nalang at mag I start na yung class. Tumakbo nako para mas lalo akong bumilis na makarating sa school.

At pagkadating ko..

Walang katao tao sa Corridor . Patay! Late nako . Tumakbo ako papunta sa classroom ko.

Pagkabukas ko ng pinto...

"Oh! Miss Park ?! Ang aga mo naman para sa next class mo ?! "- Ma'm Leah. Terror pa man din yan. Aish.

"Sorry ma'am"-ako. Mainhin kong sabi.

"Sige, Upo!"-Ma'am . Buti naman.

Papalapit nako sa upuan ko ng batuhin ako ng papel nung classmate kong lalaki. Napatingin lahat ng classmate namin tyaka nagtawanan.

Sheez. Ano pa bang magagawa ko eh hindi ko naman kaya yon . Kaya nagpatuloy nalang ako papunta sa upuan ko.

Nang makaupo ako parang may kulang ? Ano nga ba ? Aish ! Ulyanin na ako.

Ah.. Oo si Tracey ! Bat wala siya ? Malamang na late rin ng gising yun.

Ang boring naman ng history class namin. Nagugutom na ako. Remember ? Di ako nag breakfast.

"Krrruuuurrrr"-tyan ko. Ahh! . Nakakahiya. Nagtinginan lahat ng mga kaklase ko.

3

2

1

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"-classmates ko.

"Kawawa ka naman wala ka na yatang makain sa inyo . Hahaha!"-tugon ng isa.

"Poor Nerd!"-tugon rin ng isa. Di ko na kaya parang sasabog na ako sa kahihiyan.

"Miss Park ? Pwede ka nang lumabas para makabili ng pagkain."-Ma'am Leah. Ayy. Salamat naman. Dali dali akong lumabas sa devil room nayon .

Pumunta nalang ako ng canteen para bumili ng pagkain. Ng malapit na ako nakita ko si Tracey na parang galing lang sa iyak . Namamaga ang mata eh.

Parang napansin niya ako.

"Bat nasa labas ka ?"-tracey. Bat nga ba ?

"kase bibili ako ng pagkain gutom ako eh. Ikaw anong nangyari sayo ?"-Ako. Ano kayang iniyakan nito ? Lalaki ? Aysus . Marami nyan dyan.

Nerd Turn's Into A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon