Kabanata 1: Naveah Camille Griffin
Camille's POV
Nandito nako sa loob ng Village. At ang masasabi ko lang ay Peaceful! Ang tahimik kase, parang walang katao-tao ah.
Buti hindi ako minalas ngayon ano? Kase Friday the 13th ngayon! Aba'y sabagay bihira lang naman ako kung malasin. Wahahaha!
May guardhouse naman pala dito e! Ayown! Hihi. Dumiretso ako sa guard house.
"Manong---" Napatigil ako nang nakita kong tulog si manong guard. Tulog si manong guard e! Pano yan? Gigisingin ko ba?
"Anong kailangan mo?" Napa atras ako sa gulat.
"Gusto ko lang pong kumuha ng bahay dito manong." Nakangiti kong sabi sakanya. Nakita ko namang ngumisi sya. E? Bat ganon, ang weird. Nakakatakot yung ngisi nya e.
Tumayo naman si manong at lumabas ng guard house. Sinenyasan nya naman akong sumunod sakanya.
"Halika ija, sumunod ka saken at kailangan mo munang pumuntang office." Tumango lang ako kay manong at sinundan sya.
Malapit lang naman pala ang office sa guard house e. Kaya mabilis lang naming narating ito.
Ay guys! Nakalimutan ko palang mag pakilala sainyo. Ako nga pala si Naveah Camille Griffin, labing pitong taong gulang. Pinalipat ako ni grandma dito. Hindi ko alam kung bakit? Pero dahil gusto ko rin matutong mag isa ay dito na ako lumipat sa Village na to. Tulad nga ng sabi ni Grandma, ay nandito na sa Village nato lahat. Pero wala akong makita?
"Ineng. Pasok ka na, Goodluck..." Creepy! Tumango lang ako kay manong at nagpasalamat saka ako pumasok sa Office-kuno.
Pagpasok ko naman doon ay naabutan kong naka upo ang isang ginang nasa early 60 siguro sya. Para syang si Grandma.
Ngumiti sya nung nakita nya ako. Kaya naman ngumiti rin ako, sumenyas sya na maupo at naupo naman ako sa harapan nya.
"Magandang araw ineng." Nakangiting sabi nya saken.
"Magandang araw rin ho sainyo." Ngumiti rin ako sakanya.
"Anong maipag lilingkod ko saiyo?" I clear my throat at saka nagsalita.
"Nais ko pong kumuha ng bahay rito. Magkano ho ba?" Naiilang na tanong ko sakanya. Natawa naman sya. e? Weird!
"Halika muna." Batid kong hinihingi nya ang aking mga kamay kaya ibinigay ko naman.
Pumikit sya habang hawak ang aking mga kamay, anong ginagawa nya? Pero hinayaan ko nalang sya sa ginagawa nya.
Mayaaya lang bumukas ulit ang mga mata nya at nakita kong sumeryoso sya at saka ngumiti.
"Libre lang ineng."
![](https://img.wattpad.com/cover/96342880-288-k605490.jpg)
BINABASA MO ANG
Death Village
Vampire"If you're a Vampire,Wolf. then you are free to lived here." Death Village. Ang Village kung saan pag pinasok mo ay mawawala ka na sa mundo ng mga tao. dahil iba na ang makakasalamuha mo. mga bampira. ito rin ang village kung saan kumpleto na sa...