Kabanata 2

32 6 0
                                    

Kabanata 2: New Friends| Blood

Camille's POV

"Tara na, Camille. Ipapakilala pa kita sa mga kasama naten." Nakangitin aya saken ni Eva.

Sya naman ang nagbukas ng gate, nasa likod nya lang ako.

"Sino sya?"

"Waaah!" Napasigaw ako sa gulat. Ng may bigla nalang sumulpot sa harap naming babae.

Tulad ni Eva, maganda rin ang isang ito. Matangkad sya kesa saken pero maliit sa kay Eva.

"Kiela! Ginulat mo sya." Lumapit saken si Eva. Pero itong tinatawag nyang Kiela ay nanatiling naka cross arm. Itim ang mga mata nya. Pero para syang pusa, dahil malaki ang itim ng mata nya. At may maliit na pula sa gitna nung itim nyang mga mata.

Oo nga pala. Bampira nga pala sila.

"Ginulat? At bakit naman sya magugulat, Eva? Hindi nya ba ako inaasahan na tatambad sa harap nyo?" Kunot noong sabi nito. Pero kitang kita mong seryoso talaga sya!

Bumuntong hininga naman si Eva.

"Newbie lang sya,Kiela." Sabi ni Eva.

"Newbie hah? E bakit sya nagugulat, at ayan oh! Kitang kita ko sa mga mata nya na takot sya..anong uri ba sya, Eva?" Kunot noong pinagmasdan ako ni Kiela.

Grabe sila! Ayoko na dito, mamaya sasabihin ko kay Eva na gusto ko ng umalis dito! Hindi ko ata kakayanin. Nakakatakot sila!

"Hindi pa alam kung anong uri sya. Dahil labing pito----"

"Labing pito?! Alam mo namang delikado sya Eva! At pati narin tayo! Bakit ba narito yan ha?!" Nanggagalaiting sabi ni Kiela.

Nakakatakot sya! Yung mga pangil nya! Pag nagagalit sila, lumalaki yung mga pangil nila! Ayoko na talaga dito!

"Alam ko...pero hayaann naten muna sya dito! Kaibiganin muna nati...please, Kiela. Turuan nalang natin sya kung ano ang dapat at hindi." Pagdepensa saken ni Eva.

Tinignan pa muna ako ni Kiela. Hindi ko maintindihan kung bakit delikado sila. Oo! Alam kong una palang ay delikado na talaga ako. Pero sila? Bakit sila magiging delikado?

Ni hindi ko nga alam kung may dugo ba talaga akong bampira, pero tulad nga ng sabi ni Eva kanina. Hindi ako mapupunta dito kung wala akong dugong bampira.

Death VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon