Hi!! Ako nga po pala si Juan A. Lupa, 9 years old!! Ang tatay ko po ay si Tatay Hampas. Hampas Lupa. Ang nanay ko po naman ay si Nanay May. May Amoy. Ako nga po pala ulit si Juan Amoy Lupa! Ang pinakamabait na bata dito sa aming barangay na tinatawag na Barangay Kutonglupa! Ako po ay magkukwento dito sa pang sosyal na wattpad! Huwag po kayong magalala mas sosyal po ako KAY wattpad.
*ANAK!! HINDI TAO YANG WATTPAD!!! (Nanay May, habang naghuhugas ng pinggan)
*EHH BAKIT PO ANG SOSYAL NIYA! PA-ENGLISH ENGLISH PA!! KALA MO NAMAN MARUNONG!! WATT-PAD!! DI NAMAN TAMA!! DIBA PO INAY ANG ISPELING NG WATT, W-H-A-T! (Juan)
*ANAK!! WEBSITE KASI YAN! (Nanay May)
*ANO PO!!!! MAY GAGAMBA PO DITO!! (Juan)
*HINDI!! YAN YUNG TAWAG SA MGA PWEDE MONG PUNTAHAN SA MGA BROWSER. TULAD NG FACEBOOK!! (Nanay May)
*AHHHH!!! NANAY PANO PO NAGING FACEBOOK?? MAY MUKHA PO BA UNG LIBRO?? (Juan)
*AYYY NAKO ANAK!!! ITULOY MO NALANG UNG PAGSUSULAT MO JAN KAY WATTPAD! (Nanay May)
*NANAY!! TAO NA PO SI WATTPAD?! (Juan)
*HINDI NGA DIBA!!! HINDI TAO SI WATTPAD!!! ISA SIYANG WEBSITE!! WEBSITE SI WATTPAD!! SIGE NA!! AT PUPUNTA PA AKO SA PALENGKE!! (Nanay May)
*SIGE PO NAY!! (Juan)
Hayyy nako si nanay! Kahit kelan ang gulo gulo! Nasan na nga ba tayo?
Ahhhh... oo nga pala! Sa Barangay Kutonglupa! Ang aking tatay nasi Tatay Hampas ay ang aming barangay captain. Todo suporta ang ibinibigay namin sa kanya.
Ako po ay nagaaral sa L.U.P.A., ang Lokong Unggoy Pilipino Academy. Ang aming principal ay si Mr. Lokong M. Unggoy o Mr. Lokong Mukhang Unggoy. Hindi po siya mukhang unggoy siya po ay matangkad at maputi at gwapo pa. O diba! Kaya ang taas ng grades ko eh!
Ngayon naman po ikukwento ko po sa inyo kung pano po ako pinanganak base po ito sa kwento ng aking mga magulang. Simulan po muna natin kung pano nagkakilala sila nanay at tatay. Noong 1996, si nanay ay nagttrabaho sa isang eskwelahan bilang isang guro sa Ingles. Alam niyo ba ang galing ni nanay mag english! Talo pa kayo! Haha. Ang tatay naman ay nagttrabaho bilang tanod sa aming barangay. Isang gabi pauwi na si inay. Biglang may lumapit na tatlong lalaki sa kanya, ganda niya eh. Sabi nung isang lalaki, "HOLD-UP TO!! BIGAY MO SAMIN PERA MO!", sabi naman ni nanay "HA!!! WALA AKONG PERA!!", sabi nung isa pang lalaki, "HA?! GANUN BA! SIGE CELLPHONE NALANG!", sabi naman ni nanay, "AYY NAKO!! WALA AKONG CELLPHONE!! MAHAL NUN EH!!", biglang nanghina ang isang lalaki yun pala ay inaatake na siya sa puso, sumigaw ang nanay, "TULONG!! TULONG!!". Dumating agad ang itay kasama ang dalawa pang tanod. Hinampas hampas ng mga tanod ang dalawang lalaki. Yung isang lalaking inatake sa puso ay namatay din agad agad nung gabing iyon. Sabi ni itay kay inay "Ok ka lang?", "I'm fine. Thank you for helping me but first let's help this guy to take it to the hospital." sabi ni inay. "Taray pare! Inglesyera pala yan eh! Ligawan mo na!" pabulong na sinabe ng tanod kay itay. Walang kibo si itay. Dinala nila ung lalake sa hospital.
Pagkatapos ng nangyari lumabas ang inay sa hospital sumunod naman si itay. Nagusap silang dalawa. Paglabas ng dalawa pang tanod ay nalaman nila na sila na agad ni itay at inay! Ang bilis no!! Grabe! Hinatid ni itay si inay sa bahay. Nagiisa lang si inay sa bahay, kaya ay pinapasok nia muna si itay. Pumasok sila ng kwarto. ETO NA! Dahan dahang silang umupo. Sinumulan na nila! Ang pagdarasal! Pinagdasal nila na sana tumagal ang kanilang relasyon at magkaroon din sila ng isang anak. KALA NIO KUNG ANO NO!! KAYO AHH! MGA NASA-ISIP NIO! Pero wag kayo magalala ginawa rin nila yun! Ilang linggo lang ay nalaman na nilang buntis si inay. Tuwang tuwa silang dalawa.
Makalipas ang ilang buwan.
Isang araw ay nagluluto si inay para sa tanghalian. Biglang sumakit ang tiyan ni inay! Agad namang tumakbo si itay sa labas at sumigaw ng "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!!!!". Pumasok ulit si itay. "HOY!! HAMPAS! BAKIT KA TUMAWAG NG AMBULANSYA! NATATAE LANG AKO!!! ANO BA!" Sabi ni inay, "HINDI NAMAN PARA SAYO! UNG SA KAPITBAHAY! NASTROKE DAW KASI." Sabi ni itay.
Kinabukasan ay sumakit nanaman ang tiyan ni inay at tinawag nia si itay. Agad namang lumabas ulit si itay "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!!!". Pumasok si itay at inalalayan ang inay. Nagpulong pulong ang mga kapitbahay sa labas na parang laban lang ni pacman. Dumating agad ang ambulansya, ang sabi ng nurse ay mukhang di na aabot si inay sa hospital. Kaya'y pinahiga niya si inay at hinanda na ang mga gagamitin. Nagsimula na ang pagIRE ni inay. Biglang sabi ng nurse! "BADTRIP NAMAN OH!! KALA KO NAMAN MANGANGANAK KA NA! IBA LUMABAS EH!", sabi ni inay, "GANON PO BA? HAYY SUCCESS!". Nag alisan ang mga tao at ang ambulansya.
Kinabukasan ay sobrang sakit ng tiyan ni inay. Tinatawag niya si itay ngunit wala pala siya doon dahil may pasok siya. Lumabas nalang si inay at sumigaw ng "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!". Walang umimik at nagsalita. Kumatok si inay kila Aling Bebang. Pag bukas ng pinto ni Aling Bebang ay nakita nia na si inay ay duguan na. Agad niya itong pinahiga at siya na ang nagpalabas sa akin. Agad dumating si itay ng mabalitaan niang manganganak na si inay. Ilang minuto lang ay nailabas na ako. Nagisip sila inay at itay kung anong ipapangalan sa kanilang anak. Nagkasundo sila sa Juan.
So yun na yun! Pinanganak na ako!! Kapagod mag sulat ah! Gagawa pa ako ng Chapter 2! Wait lang maliligo lang ako! Para fresh na fresh! Juan A. Lupa nga po pala ulit!!
BINABASA MO ANG
Ang Storya ni Juan
HumorHalika na at tuklasan natin ang ang naging buhay ni Juan simula sa kanyang pagkabata! At alamin ang mga manyayari pa sa kanyang buhay.