Chapter 3: Paaralan ni Juan

67 0 1
                                    

                                   Hayy!! Nakakabusog! Sarap kumain! Kumain na ba kayo? Kung hindi pa! Kumain muna kayo para hayahay ang buhay! Sa ngayon! May ikukwento pa akong isa! Yung first day of school ko naman. Sa inyo ano nangyare sa first day nio? Umiyak kayo no!! HAHA! Mga iyakin!! Ako hindi! Nag WALA ako! 

                                       Nung 6 years old ako, grade 1 na ako nun. Hindi ako nagprep! Kasi nagtake ako ng acceleration exam. Sa sobrang talino ko naperfect ko ung exam. Ako lang daw nakagawa nun! Lalo na kung yung teacher ko nanay ko! O diba! 

                                          Nung first day ko sa school late ka agad ako. Kasi nagwawala ako sa labas ng classroom kasi ayaw ko pumasok. Nakakahiya! Lalo na yung magpapakilala na sa harap pa dapat! Sabi sakin ng teacher, "What's your name?", Sabi ko "It contains letters. Consisting Vowels and Consonants." O diba! Pang matalino ung sagot! "Well said,so whats your specific name?" sabi ng teacher,  sabi ko "I am Juan A. Lupa, 6 Years Old, Philippines!". Palakpakan yung mga kaklase ko pati si teacher. Kayo pano kayo nagpakilala? Aminin! Nahiya rin kayo no! haha! 

                                            Pagkatapos namin magpakilala may activity kami agad! Sabi ni teacher magddrawing daw kami tapos i-eexplain daw kay teacher yung drawing. Binigyan kami ni teacher ng mga bond paper. Nilabas ko naman ung mga crayons ko. 

                                              Makalipas ang isang oras. Ayan na!! Kinakabahan na ako. Isa isa kaming lumapit sa teacher tapos mageexplain. Nung pagbigay ko ng papel...

>Juan!!! Ano to? Bakit walang drawing papel mo!! (Teacher)

>Teacher! Nagdrawing po ako ng Baka at Damo diyan. (Juan)

>Ha?? Nasan ung damo? (Teacher)

>Kinain na po nung Baka. (Juan)

>Ano! Nasan naman yung Baka? (Teacher)

>Eh ano pa po gagawin niya diyan? wala na pong damo. (Juan)

>JUAN!! Face the wall! (Teacher)

                                                Hayy.. di ko talaga makakalimutan yun! Tama naman ako diba!! Sadyang hindi lang talaga ako marunong magdrawing. 10 minutes ako naghintay kaharap ung pader! Ang hirap kaya nun!! Tapos pinaupo na ulit ako. Shempre sasabihin nung teacher wag na uulitin. Tapos yun! Uwian  na namin. Nakipag usap lang muna ako kay Pedro na katabi ko.

>Alam mo yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain! (Juan)

>Woo!! Maniwala!!! (Pedro)

>Oo nga!! Honesto! Pramis! (Juan)

>Ano bang ulam nio? (Pedro)

>ASIN! (Juan)

>Ehh kaya naman pala ehh (Pedro)

                                          Dumating na si tatay nun tapos sinundo na ako sa school. Grabe first day ko. Napagalitan agad! Hayy buhay. Pero atleast memorable ang aking first day! Tapos hindi pa pala yun! Nung second day na hinanap ako nung teacher namin, hindi ung nanay ko ahh.. kasi ung nanay ko teacher yun sa prep. Edi yun! Hinanap ako pinadala ako sa office. Kabadong kabado ako! Baka paalisin na ako! Pero hindi yan tiwala lang! 

                                             Pagpasok ko ng office! Woo! Ang lamig! Sobra parang ayaw mo na umalis sa tapat ng aircon! Pero pinaupo ako ni Sr. Mukhang. Ang sabi sakin ako daw magrerepresent para sa class namin para sa Mr. and Ms. L.U.P.A.! Gwapo ko kasi eh! Grade 1 palang ako nun ah! Ano pa kaya ngayon? Tsk.. #PogiProblems. Shempre, pumayag naman ako. Nung uwian na! Kinwento ko lahat kay Pedro yung nangyari! Tapos gustong gusto ko na umuwi para makwento kila nanay. Eh ang saklap! Tinawag ulit ako nung principal! Pinalitan ako! Ang pinalit si Pepe! Ehhh mas gwapo naman ako kay Pepe! Yun tuloy badtrip! Pag uwi ko ng bahay! Nga nga! Kain bubog, nguya goma. Tapos eto pa! Badtrip tong kapatid ko na si Petra! Siya ang representative para sa mga prep! Hayyyyyy... lagi nalang siya...

                                               Pero ok lang! Mas matalino naman ako! Lagi akong may star sa kamay! Tapos...

*JUAN!!!! TAMA NA YAN! HINAHANAP KA NG MGA KALARO SA LABAS SILA PEDRO! (Nanay May)

*NAY!! SABIHIN MO WALA AKO! (Juan)

*OSIGE! PEDRO!! WALA SI JUAN EH.. (Sinabe ni Nanay May kay Pedro)

 *SINO PO MAY SABI? (Pedro)

 *SI JUAN. SABIHIN KO DAW NA WALA SIYA. (Nanay May)

 *NAAAAAAAAAAYYY!!!!! SINABE MO PANG WALA AKO! (Juan)

 *HINDI KASI AKO SINUNGALING. MABUTI PA ITULOY MO NALANG MAMAYA YUNG GINAGAWA MO AT MAKIPAGLARO KA MUNA SA KANILA! (Nanay May)

 *OO NGA JUAN! HABANG DI PA MASHADO MAINIT! (Pedro) 

 *SIGE NA NGA! WAIT LANG AH!! (Juan)

                                        Hayyy nako! Iiwan ko nanaman kayo! Pero wag kayo magalala may mga ikukwento pa ako sa inyo pagtapos namin maglaro! Hintayin nio lang ako! Tapos malay mo! May kwento rin si Pedro! Pero yung mga kwento nun ang kokorny! Shhh.. wag kayo maingay magagalit sa akin yun! Sige! Maglalaro muna kami! Bye!!!! 

Ang Storya ni JuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon