HER POINT OF VIEW
I remember it vividly.
June 7, 20**.
First day of class. Inaayos ng adviser natin yung seating arrangement. Pinapila tayo. Isa sa babae, isa sa lalaki. Pointless naman yung pila kasi hindi naman yun sinunod.
Inassign na ako ni ma'am sa seat ko.
Then, tinawag ka ni ma'am. Kausap mo yung tropa mo nun.
"Carlo!"
Takang-taka at gulat na gulat ka pa. Akala mo may nagawa kang masama.
Ang daldal kasi kaya ayan hindi alam ang gagawin. Daig pa ang babae.
Yun ang nasa isip ko nun.
"Ma'am? May nagawa po ba ako? Sorry po. Peace," sabi mo sabay taas ng kamay mong naka-peace sign.
Muntik na akong matawa sa reaction mo pero pinigilan ko. Ang epic lang kasi. Nagsasmile ka pa na painosente. Tapos yung mukha ni ma'am nalukot.
"Mr. Sandoval, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang sasabihin ko lang naman sana ay sa tabi ka ni Lisa. Ang layo ng inabot mo. Oh siya, go to your seat now."
Nagpintig ang tenga ko. Ikaw yung naging katabi ko. It was completely unexpected. Madalas kasi, sa harap ka, katapat yung guro. Ngayon, ay nasa likuran ka, katabi ang pader.
Ginawa siguro yung ni ma'am para hindi ka mag-ingay. Well-known ka na kasi sa mga teachers at staff dahil sa kadaldalan mo. Pero kahit saan ka naman nilalagay nakakahanap ka parin ng paraan na dumaldal. Alam ko dahil lagi tayong magkaklase even during our elementary days.
Dali-dali kang umupo sa tabi ko kaya napatingin sa'yo yung classmates natin.
Then, naisipan ng isa sa mga kaibigan mo na magsalita.
"Uy! Si Carlo, nagmamadali. Excited! Hmmmm, bakit kaya?"
Dahil dun, tinukso tayo ng mga kaklase natin. Tapos ikaw, namula ka naman. At ako? Gulong-gulo. Kasi sorry naman wala akong alam diyan.
Kinabahan ako nun akala ko may lagnat ka. First day na first day. Hinipo ko yung noo mo para icheck pero parang mali ata yung ginawa kong yun kasi lalo ka pang namula.
Biglang naghiyawan yung mga kaklase natin kaya nagulat ako at biglang napalayo sa'yo.
Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko mafigure out kung bakit sila ganun magreact.
Soon enough, pinatahimik sila ni ma'am.
The rest of the day, ang tahimik mo. Super unusual. Pero hindi naman kita masisisi kasi hindi naman ako madaldal. Alangan naman kausapin mo yung pader diba?
Hanggang naglast period ang tahimik mo pa rin. Kaya hindi ko inexpect nung nagsalita ka bigla.
"Uhmmm, sorry kung parang hindi kita pinapansin ah. Ang awkward lang kasi. I mean ako lang siguro ang awkward pero you know what I mean about dun sa nangyari kanina."
"Okay lang. Naiintindihan naman kita since hindi naman ako palasalita kung napapansin mo. At saka, yung sa kanina hindi ko nga naintindihan yung nangyari eh."
"Haha! Ang cute mo. Sige una na ako. See you tomorrow! Bye!"
"Bye!" pagpapaalam ko pabalik habang kumakaway.
Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko. Matapos iyon ay magtungo na ako sa mga kaibigan ko.
"Uy! Ano yun ah? May something ba?" tanong ni Jessica, isa sa mga kaibigan ko.
"I smell something fishy. I sense love in the air," pakanta pang dagdag ni Abby.
"Oo nga. Para ngang nag-uumapaw pa eh. May something ano?" sabi pa ni Chloe.
Ayan na naman ang panunukso. Hindi ko naman maintindihan bakit at kung anong meron. Wala ka namang gusto sakin.
"Something? Paano naman magkakaroon ng ganun? Nagpapatawa ba kayo? Ni hindi ko nga maintindihan iyan mga pinapahiwatig niyo eh."
"Aysus! Kunwari naniniwala kami," sabi nilang lahat.
"Tigilan niyo ako ha. You always put malice in everything kahit wala naman. Tara na nga. Uwi na tayo."
BINABASA MO ANG
Seatmate
Short Storyseat-mate \'sēt-,māt\ noun : a person who sits next to you on a bus, airplane, etc. You're supposed to just stay as someone who sits beside me. How did you end up becoming the one always by me?