|seatmate • 06|

26 0 0
                                    

Baka akalain ng iba na puro daldalan at kalokohan ang alam mo pero hindi. Ibang-iba ka sa pananaw na iyan.

Nakakapagtaka. Hindi ka nakikinig sa klase pero tuwing may tanong ang guro ikaw ang unang nakakasagot lalo na pagdating sa Math.

Paano mo ginagawa yun? Pahingi naman ng kahit kaunting katalinuhan.

Sa ilang buwan nating naging magkatabi, humanga ako sa'yo. Hindi lamang sa galing mo sa klase at sa iba pang mga bagay kundi sa ibang uri ng paghanga.

Paano ko ba mapipigilang makaramdam ng ganoon eh kung makaasta ka parang ako lang ang nakikita ng iyong mga mata? Ako na yung naging palagi mong kasama.

Ay! Ewan ko ba! Paano ko ba pipigilan 'to?

SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon