Buwan ng Wika.
Nakasanayan nang mayroon talagang itatanghal ang bawat klase. Para sa klase natin, sarswela ang gagawin. Ang napili naman ay isang kwentong pag-ibig. At dahil saksakan din sa kalokohan ang mga kaklase natin, tayo ang napiling magtanghal bilang magkasintahan. Todo tanggi ako pero ikaw, para okay na okay lang sa'yo.
Hindi ako magaling umarte. Bakit ba ako pa kasi?
Buong buwan napuno tayo ng tukso. Sa tuwing naeensayo tayo, at lalong-lalo na sa mismong pagtatanghal tinutudyo tayo sa isa't-isa. Parang kahit konting paghinga ko ay kailangan nang itudyo sa iyo.
Nakakailang pero anong hiwaga ang meron kay parang wala lang ito para sa iyo?
Paano nga ulit ako umabot sa sitwasyong ito?
BINABASA MO ANG
Seatmate
Short Storyseat-mate \'sēt-,māt\ noun : a person who sits next to you on a bus, airplane, etc. You're supposed to just stay as someone who sits beside me. How did you end up becoming the one always by me?