Balik na naman sa realidad. Pasukan na ulit. Balik na naman tayo sa karaniwan nating daldalan at masayang pagtatalo. At syempre, pinapagalitan na naman tayo.
Hindi ko namalayan na nahahawa na talaga ako sa pagkamasayahin mo. I was starting to catch your carefree personality. Ikaw? Napansin mo ba?
Ganito na yung madalas nating sitwasyon:
1) Magtatalakay ang guro.
2) Magdadaldalan naman tayo. Madalas mga kumento tungkol sa paksa na tinatalakay.
3) Magtatalo, magtatawanan, o kung ano pa.
4) Mapapansin tayo ng guro.
5) Tatanungin tayo kung ano ang pinag-usapan natin at sasabihin naman nating wala.
6) Babalaan tayo ng guro at sasabihan na huwag magdaldalan kapag siya ay nagsasalita.
7) Babalik ang guro sa pagtuturo at gagawin nating ulit ang ikalawa hanggang sa huling hakbang. Paulit-ulit walang humpay.Masaya. Sana palagi na.
BINABASA MO ANG
Seatmate
Short Storyseat-mate \'sēt-,māt\ noun : a person who sits next to you on a bus, airplane, etc. You're supposed to just stay as someone who sits beside me. How did you end up becoming the one always by me?