The following weeks, mas naging close tayo. Nahawa pa nga ata ako sa pagkamadaldal mo eh. Kung noon ikaw lang ang pinapagalitan, ngayon ay nadamay na ako.
Dumating din ang hinihintay nating socials night or afternoon kasi 1 to 5 pm ito idadaos.
"Oy, sabay tayo mamaya ah. We'll go to your house. Doon na rin kami mag-aayos," sabi ni Jessica.
We all nodded in response dahil yun naman talaga yung napag-usapan naming magkakaibigan simula pa last week.
Magsiuwian na ang lahat ng nasa high school department. Palabas na rin ako ng classroom nang harangin mo ako.
"Oh, may kailangan ka?", nagtatakang tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay nauna ka nang umuwi kasama ang mga kaibigan mo.
"Ah eh, kasi... Sabay na tayo. Ihahatid na kita sa inyo. Malapit lang naman yung bahay natin eh," sabi mo na parang nahihiya pa.
"Okay. Sige. Tara?" tumango ka lang bilang sagot at magsimula na ring maglakad.
Napakatahimik mo. Nakakapagtaka talaga kung bakit madalang ka lang magsalita kapag tayo lang dalawa. Parang ayaw mo sa'kin. Nakarating na tayo sa bahay namin pero ni isang salita ay walang lumabas galing sa bibig mo.
"Sige, Carlo! Mauuna na ako. Bye! See you later," pamamaalam ko sa kanya.
"Teka lang, Lisa. Ahhh, nakakahiya," may pakamot-kamot ka pa sa batok mo. "Sorry. Ako pa yung nagyaya sa'yo na sabay tayo pero wala rin naman akong sinabi."
"Okay lang. Pasensiya na rin. Hindi rin ako sumubok na magsalita."
"Ah, wala lang naman yun. Alam kong hindi ka rin madaldal. At may tanong nga pala ako."
"Ano naman yun?"
"A-ah, nevermind. Sige, see you later." Na-curious ako pero pinalampas ko nalang. Alam kong sasabihin mo rin naman kapag handa ka na.
"Bye," huling sabi ko bago pumasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
Seatmate
Short Storyseat-mate \'sēt-,māt\ noun : a person who sits next to you on a bus, airplane, etc. You're supposed to just stay as someone who sits beside me. How did you end up becoming the one always by me?