PART23

4.3K 128 5
                                    

----BLUE MOON PACK----

"Kamusta na ang mga sugatan?" Tanong ni Lorcan sa kapatid na si Lorna.

"Maayos na sila at nagpapahinga." Sagot ni Lorna sa kapatid.

"Hindi talaga tayo titigilan ni Lycaon hangga't di niya tayo napapatay lahat." Wika ni Lorcan na nag ngangalit pa ang bagang dahil sa galit.

"Huminahon ka kuya!" Nag aalalang wika ni Lorna.

"Hindi na siya nasiyahan na pinatay na niya ang ating mga magulang." Tila walang narinig na turan ni Lorcan.

"Walang maidudulot na maganda kung galit ang paiiralin mo."nag aalalang wika ni Lorna sa kapatid.

"Ikaw ang higit na nakakaintindi sa nararamdaman ko, Lorna. Pareho tayong nawalan ng magulang." Sagot ni Lorcan.

"Pero hindi lang para sa atin ang laban na ito. Hindi lang tayo ang nawalan ng magulang maging ang mga kasama natin. Ikaw bilang anak at bilang Alpha ang higit na dapat nakakaintindi sa sitwasyong ito." Paliwanag ni Lorna at tuluyan ng bumagsak ang luha niya.

Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Lorcan sa kaniyang narinig kaya agad niyang niyakap ang kapatid.

"Lahat ay gagawin ko para di na maulit muli ang nakaraan." Bulong ni Lorcan sa kapatid.

"Kuya, nasaan si Freija? Kanina ko pa siya hindi nakikita mula ng dumating kayo." Tanong ni Lorna na pinahiran ang mga luha sa mata niya.

"Pupuntahan ko sya baka nasa silid lang niya. Pag uusapan namin ang pagsunod niya sa kagubatan." Sagot ni Lorcan.

Agad siyang tumayo at naglakad patungo sa silid ni Freija.
Huminto siya sa malapad na pinto at kumatok ng ilang ulit.
Nakakailang katok na siya ay walang sumasagot mula sa kabilang pinto.

"Freija" tawag niya ngunit wala pa din tugon mula rito.

Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto. Pumasok siya sa silid nito at sinara muli ito ngunit wala siyang nakitang tao sa loob.
Nagulat si Lorcan ng biglang lumabas si Freija mula sa pinto ng banyo.

"Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong ni Freija.

"Ah eh kasi"nauutal na wika ni Lorcan na di matanggal ang pagkakatitig sa katawan ni Freija na basa pa at nakatapis lamang.

"Pwede ba sa mukha ko ikaw tumingin baka masapak na kita" bulyaw ni Freija.

Namula ang pisngi ni Lorcan dahil sa sinabi ni Freija. Napayuko siya dahil di niya kayang titigan ito. Hindi dahil sa nahihiya siya kundi dahil natatakot siya na di niya mapigilan ang sarili at siilin ito ng halik.

----LORCAN POV----

Naramdaman ko na unti-unting lumalapit sa akin si Freija na lalong nagpagulo sa nararamdaman ko.
Napalunok ako ng ilang ulit sa paglapit niya.
Napaupo ako sa kamang naroroon. Lalo pa siyang lumapit sa akin na halos magdikit ang katawan namin. Inilapit niya ang  mukha niya sa aking  tenga. Ramdam ko ang mainit na hininga na nagmumula sa kaniya.

"Kanina ka pa nakaharang dyan! At inupuan mo pa ang mga damit ko!"bulyaw niya sa akin na ikinagulat ko.

Tila binuhusan naman ako ng mainit na tubig sa sinabi niya dahil ramdam ko na namumula ng husto ang mga pisngi ko. Mas mapula pa ata ito kaysa sa kamatis. Mabilis akong napatayo dahilan upang mabunggo ko siya. Nawalan din ako ng balanse kaya pareho kaming bumuwal sa sahig.

Napailalim siya sa akin at ako ay nasa ibabaw niya. Nagtama ang mga paningin namin kaya di ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya.
Inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya. Napakatamis ng mga sandaling nagkalapat ang aming labi. Hinalikan ko siya ng buong puso.
Sa una ay hindi siya tumutugon ngunit pinagpatuloy ko pa rin hanggang sa sinabayan na niya ang pag galaw ng mga labi ko. Naramdaman ko din ang pagyapos ng kamay niya sa aking batok na lalong nagpainit sa nararamdaman ko.
Wala akong ibang iniisip ng mga sandaling ito maliban sa ikamamatay ko pag nawala siya sa buhay ko.

Nagulantang kami ng biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon.
Isang bulto ang iniluwa niyon at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa amin.

"Kuya! Anong ginagawa mo Kay ate Freija?" Sigaw ni Lorna sabay takip sa kaniyang mga mata.

Unwanted Substitute Of Heart #completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon