PART3

7.3K 198 0
                                    

Pagdating sa harapan ng aming bahay ay inalalayan ako ng aking ama sa paglabas ng sasakyan.
Bumitaw ako sa kanya ng mailapat ko na ang aking mga paa sa sementadong sahig.

"Aalalayan na kita,Freija" wika niya na inilahad pa ang palad.

"Hindi na dad, kaya ko na po wag na  kayong mag alala." Nakangiting wika ko.

"Sigurado ka iha?" Nag aalalang tanong naman ng aking ina na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng aking ama.

"Ok na ok lang po talaga ako."sagot ko na pilit kong pinapasigla ang tinig ko upang di na sila mag alala pa.

 Sapat na ang anim na buwan na naglaan sila ng panahon at oras para sa akin.
Pilit akong naglakad ng normal kahit na sa totoo lang ay kumikirot pa ang kalamnan ko sa bawat pagkilos ko. Tila ba napakalayo ng nilalakad ko ng mga sandaling iyon patungo sa pintuan kahit na nakatapat lang halos ang pinagparadahan ng sasakyan namin sa pinto.
Sa wakas ay nakarating ako sa harap ng malapad na dahon na iyon. Agad akong kumapit sa hamba nito.

"Ok ka lang anak?" Tanong ng aking ina.

"Opo, magpapahinga na lang po muna ako sa aking kwarto."sagot ko

"Ok, tatawagin na lang kita paghanda na ang hapunan"
"Sige po mama" turan ko at sinimulan ko na ang paglalakad patungo sa aking kwarto.

Mabuti na lamang at walang hagdan ang aming bahay. Malawak iyon na may apat na kwarto. Isang kwarto para kila papa at mama. Ang isa ay ang study room at ang isa pa ay ang guest room. Ang natitira ay ang aking kwarto.

Malawak ang loob ng aking silid na may malaking kama sa gitna na nakasandal sa pader. Malaki ang kabinet na pinaglalagyan ko ng mga damit at may sarili rin akong banyo dito. Halos kulay pink ang mga kagamitan at pintura ng aking silid. Mga paru-paro naman ang mga disenyo na makikita sa kurtina na katerno ng aking kama. Bughaw na kakulay ng langit ang kulay ng aking kisame.

Napangiti ako ng makapasok sa loob ng silid na iyon.

"I'm home!" Usal ko.

Agad akong nahiga sa aking kama upang maibsan ang kirot na aking nadarama sa ginawa kong paglalakad. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako marahil ay dahil sa pagod.

"Freija! Iha, handa na ang hapunan" malakas na wika ng aking ina habang kumakatok sa aking pinto.

"Susunod na po ako 'ma" tugon ko at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Madilim ang buong paligid  kaya tumagilid ako at inabot ang tali na nakalawit sa lamp shade na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng aking kama.
Hinatak ko ito at nagliwanag ang maliit na lampshade na iyon.
Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos.
Matapos kong gawin iyon ay nagtungo na ako sa hapagkainan at tumugon sa nakahain na pagkain sa pahabang lamesa.

"Ayaw mo ba ang mga inihanda ko"nag aalalang tanong sa akin ng aking ina ng mapansin niya na halos di ko man lang ginagalaw ang pagkain ko sa plato.

"Naku! Hindi po 'ma. Medyo mapakla pa rin po ang panlasa ko." Mabilis na sagot ko.

"Oo nga naman Jenny. Kakagaling lang naman niya sa sakit." Wika ng aking ama na hinawakan pa ang kamay ng aking ina.

Napangiti ako ng makita ko sila sa ganoong tanawin. Napakatagal na ng huli kaming magkakasabay na kumakain na tulad nito.

"Itong mga prutas na lang po muna ang kakainin ko." Nakangiti kong sabi.

Tumango lamang siya bilang tugon at ngumiti din siya sa akin. Matapos namin kumain ay nagkwentuhan kami sa sala at nanuod ng mga palabas sa t.v. hanggang mapagpasiyahan na naming magpahinga dahil malalim na din ang gabi.
Masaya ang mga sandaling iyon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwa ang ginawa ni Stacy sa akin dahil tila nabuo muli ang pamilya ko sa nangyari. Masyado kasi silang abala sa kanilang mga trabaho hanggang sa unti-unti na silang nawalan ng oras para sa isa't isa lalo na sa akin.

Naglinis muna ako ng aking katawan at nagpalit ng kulay puting bistida na lagpas tuhod ang haba. Manipis ang tela nito at presko sa pakiramdan. Nahiga ako sa kama habang nakatitig sa gawi ng bintana. Maliwanag sa labas marahil ay bilog ang buwan sa kalangitan.
May ngiti sa labi akong nakatulog at isa lamang ang hiling ko. Ang magtuloy tuloy na ang magandang samahan namin bilang isang pamilya.

Unwanted Substitute Of Heart #completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon