PART19

5.2K 157 0
                                    

Ilang minuto bago mag alas dose ng gabi ay lumabas ang lahat ng nasa loob ng bulwagan bilang bahagi ng pagdiriwang na iyon.   Nagtungo sila sa malawak na savanna na patungo sa kagubatan. Lahat sila ay nakatingala at nakatitig sa bilog na bilog na buwan. Mas malaki ito kaysa sa pangkaraniwang pagsilip ng buwan sa gabi. Tila ba may usok na lumalabas mula dito.
May pwersa na humahatak sa kay Freija upang tumitig lamang dito. Di niya namamalayan na naglalakad na pala siya sa harapan ng mga taong lobo na naroroon.

Tumunog ang malaking orasan na nasa harapan ng palasyo bilang hudyat na eksaktong alas dose na nang gabi. Kasabay ng pagsapit ng hating gabi ay may lumabas na nakakasilaw na liwanag mula sa buwan at direkta iyong tumama Kay Freija na nanatiling nakatitig sa buwan. Lumutang siya sa ere at tila hinihigop ng katawan niya ang pwersa na nagmumula sa liwanag na galing sa buwan.
Nakatitig ang lahat Kay Freija at di makapaniwala sa nasasaksihan.
Unti- unting nagpalit ng anyo si Freija hanggang sa maging ganap itong taong lobo. Namamangha ang lahat sa napakagandang anyo nito bilang lobo. Dahan dahan bumababa siya mula sa pagkakalutang habang nagliliwanag ang buong katawan at humarap sa mga taong lobong naroroon.

"Siya ang sugo ng diyosang si Luna. Ngayon ay binigyan siya ng pinakamalakas na kapangyarihan. Matagal nang panahon mula ng magpadala siya ng sugo sa atin." Wika ng isang matandang lobo na inayos pa ang salamin sa mata.

"Oras na upang magpalit anyo!" Sigaw ni Lorcan.

Ang lahat ng naroon ay naging mga lobo. Ang liwanag na nakapalibot kay Freija ay tila sumabog sa lahat ng lobong naroon. Ramdam nila ang kapangyarihan na ibinahagi sa kanila. Sabaysabay silang umalulong sa pangunguna ni Freija.

"Nalalapit na upang magbalik kayo sa lupain natin. Panahon na upang pabagsakin ang mga lobong naghahasik ng kamatayan at kasamaan sa mga kauri nila. Kayo na mga anak ko ay inuutusan ko na ibalik ang matagal nang nasirang kapayapaan sa atin. Binabasbasan ko kayo at laging gagabayan." Wika ng malambing na tinig na nagmumula sa buwan.

Umalulong ang lahat bilang sagot sa tinig na nagmula sa buwan.
Kasabay niyon ay nawala ang Liwanag na bumalot sa paligid at bumalik sa normal na liwanag ang buwan.
Isa-isa na ring umalis ang mga lobong naroroon. Pumunta si Lorcan sa kinatatayuan ni Freija na nasa anyong lobo pa rin niya.

"Halika tumakbo tayo sa gubat." Aya ni Lorcan.

"Paano mo ko nakakausap?" Tanong ni Freija.

"Lahat tayong taong lobo ay kaya makipag usap gamit ang isipan sa ganitong anyo natin. Ano sasama ka ba?" Aya ulit ni Lorcan.

"Sige,"sagot ni Freija.

Naunang tumakbo si Lorcan at sinundan naman ito ni Freija patungo sa kagubatan. Huminto sila sa gilid ng isang bangin na di kalayuan sa palasyo.
Nahiga sa damuhan si Lorcan habang nakapatong ang ulo sa dalawang paa sa unahan niya. Lumapit sa kaniya si Freija at nahiga sa tiyan ni Lorcan. Kapwa sila nakatitig sa buwan.

"Bakit mo ko sinama dito?" Nagtatakang tanong ni Freija.

"Alam kong naguguluhan ka sa pangyayari. Alam ko na kung anong nangyari sayo." Mahinahon na wika ni Lorcan.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Freija.

"Inoperahan ka at pinalitan ang puso mo na pagmamay-ari ni Sheika. Isa siyang lobo na kasama namin. Tumakas siya dahil gusto niya pumunta sa siyudad kung saan nakatira ang taaong mahal niy. Ngunit bago pa siya makarating doon ay na aksidente ang sinasakyan niya. Isang tubo na gawa sa pilak ang bumaon sa tiyan niya. Magkapareho kayo ng hospital na pinagdalhan. Nawalan siya ng buhay at agad na inilipat ang puso niya sa iyo bago siya maging abo." Pagkukuwento ni Lorcan.

"Di ba sabi mo ay walang nabubuhay sa ganoong proseso lalo na at normal na tao ako."nagtatakang sabi ni Freija na nanatiling nakatitig sa buwan.

"Oo , kaya inalam ko kung bakit nabuhay ka sa prosesong iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nawala ng ilang araw." Sagot ni Lorcan.

"Ano ang dahilan?"

"Ang ninuno mo ay nagmula din sa amin. Umibig siya sa isang tao kaya halos maliit na porsyento na lang ng dugo mo ang taong lobo."

Nanatili silang tahimik ng maalala ni Freija ang sinabi ng Luna.

"Ang mga masasamang lobo na sumugod sa aming bahay ba ang tinutukoy ni Luna?"

"Oo pero sa ngayon ay wag mo muna isipin iyon. Umuwi na tayo at magpahinga na muna."

Tumayo na kami at tumakbo pauwi sa mansyon.

Unwanted Substitute Of Heart #completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon