PART32

6K 139 4
                                    

"Itigil mo na ang lahat ng ito!" Nag ngangalit na sigaw ko.

"Matapang ka talaga para sa isang babae pero sawa na ko makipaglaro sa inyo." Sagot ni Lycaon.

Itinaas niya ang punyal at akmang ibabaon niya iyon sa puso ni Lorcan.

Galit, Takot at kaba ang biglang umahon sa aking dibdib.
Naramdaman ko na nagiinit ang aking mata at tila may tubig na pumapatak mula dito. Masyadong mainit ang pakiramdam na iyon at tila mainit na hangin ang pumapaikot sa akin na tila ipo-ipo. Napatigil si Lycaon at napatitig sa akin.
Tila nagbabaga ang buo kong katawan at pilit humihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya ipinikit ko ang aking mata.

Nagulantang ako ng makita ko ang aking sarili na nakagapos.Humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.Natatanaw ko ang kakaibang nangyayari sa katawan na iniwan ko.
Nagliliwanag ang mga mata ko at naging kulay puti ang buhok ko. Napakahaba ng puting buhok na iyon na tila may buhay.
Nalusaw ang mga bakal na nakakabit sa aking paa at kamay.
Lumutang ang katawan ko sa ere.

"Oras na para tapusin ang lahat ng ito." Wika ng isang tinig na nagmumula sa aking katawan.

"Si-sino ka?" Nanginginig na tanong ni Lycaon.

"Ako si Luna, ang diyosa na tinalikuran mo na ng matagal na panahon. Ang inyong gabay. Binigyan na kita ng maraming pagkakataon para itama ang lahat ngunit nanatiling sarado ang iyong isipan." Sagot ni Luna na nasa katawan ko.

'Sumanib sa akin ang dyosang si Luna' nasambit ko matapos kong muling marinig ang kanyang tinig.

"Hindi! Hindi ko pagsisihan ang lahat ng ginawa ko!" Galit na sigaw ni Lycaon kasabay ng pag angat ng punyal at akmang ituturok na niya iyon ng tuluyan sa dibdib ni Lorcan.

Mabilis siyang niyakap ni Luna ng mahigpit.

"Itigil mo na Lycaon, isasama na kita upang magkaroon na ng kapayapaan ang iyong puso." Nalulungkot na wika ni Luna.

"Hindi isang miyembro ng Bluemoon Pack ang pumatay sa iyong ama." Hirap na hirap na wika ni Lorcan.

"Hindi totoo yan!" Galit na wika ni Lycaon na pumipiglas sa pagkakayapos ni Luna.

"Totoo ang sinasabi niya. Isinara mo ang iyong isipan sa lahat ng paliwanag kaya maging ang katotohanan ay di mo na pinaniniwalaan." Wika ni Luna.

"Hindi totoo ang sinasabi ninyo!pinatay nila ang aking ama!" Sigaw ni Lycaon at nagsimulang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ibabalik kita sa nakaraan upang makita ang mo ang katotohanan." Wika ni Luna.

Pinalibutan si Lycaon at Luna ng hangin. Pumaikot ito sa kanila na tulad ng isang ipo-ipo. Tila isang usok na unti unting naglalaho ang katawan ni Lycaon.Bumabalik na sa dati ang aking itsura.

Isang malakas na pwersa ang humatak sa aking kaluluwa. Pagdilat ko ay nagbalik na muli ako sa aking katawan. Wala na si Lycaon maging ang presensiya ni Luna.
Agad akong tumayo at kinalagan si Lorcan.

Nakaupo kami habang nakasandal sa pader nang biglang lumiwanag. Nakakasilaw na liwanag . Mula sa liwanag ay lumitaw muli si Lycaon.

"Kasinungalingan ang lahat ng iyon,Luna!"sigaw ni Lycaon.

"Totoo ang pinakita ni Luna sa iyo Lycaon, Nakita ko ang lahat. Patawad sa karuwagan ko."umiiyak na sigaw ni Orlando na biglang pumasok sa pintuang naroroon sa tabi namin ni Lorcan.

Dumako sa amin ang nanlilisik na mga mata ni Lycaon habang hawak nang mahigpit ang punyal na gawa sa pilak. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan namin.

"Papatayin ko kayo!Mga sinungaling!" sigaw ni Lycaon.

Agad akong tumayo at sinalubong ang humahangos na si Lycaon. Nakipag agawan ako sa kaniya ng punyal. Nakipag tagisan ako ng lakas hanggang sa bumaon ang punyal.

Dahan-dahang bumagsak ang katawan ni Lycaon sa sementadong sahig habang nakaturok ang punyal sa kaniyang dibdib.

Nilapitan ni Orlando ang nawawalan na ng buhay na katawan ni Lycaon.Inihilig niya ang ulo nito sa kanyang mga hita at paulit uli na bumubulong ng "patawad!kasalanan ko ito!" habang umiiyak. Ilang saglit lang ay naging abo na din ang katawan ni Lycaon.

Nanghihina man ay pinilit naming lumabas sa lugar na iyon at nagtungo sa kagubatan. Nang makarating kami sa tabi ng ilog sa ng kagubatan ay huminto kami upang mamahinga.

"Sa wakas natapos na ang lahat at makakapagsimula na ulit tayo mamuhay ng normal ang BlueMoon Pack." Tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib na wika in Lorcan.

Ngumiti lamang ako at humilig sa kanyang dibdib.

"Pagbalik natin sa mansyon ay ipahahanda ko agad ang isang malaking pagdiriwang." Wika ulit niya.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya.

"Para saan ang pagdiriwang?" Nagtatakang tanong ko.

"Para sa kasal natin, iyon eh kung papayag ka na makasama mo ako habang buhay."

Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama. Hindi ko Alam ang sasabihin ko kaya ginawaran ko na lamang siya ng isang halik bilang tugon. Niyakap niya ako ng buong higpit.

"Hindi na tayo maghihiwalay at mamahalin kita habang buhay." Bulong ni Lorcan.

"Hindi man akin ang pusong ito pero ramdam ko mula sa kaibuturan ng aking puso kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita Lorcan." Tugon ko.

"Mahal na mahal din kita Freija."

Unwanted Substitute Of Heart #completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon