Chapter 7

8.3K 235 3
                                    

"Eeeeww... Yna That's gross! You should have your Dad see those pasa! He is a beast really, if he hurt you that way! What if hindi lang yan ang gawin nya next time? what if he'll punch you, kick you and-"

"Enough ok! OA ka na eh! hindi ko na hahayaang mangyari to!" Putol nya sa mga OA na sinasabi nito.

"Really? eh hindi ka nga nakapiyok dyan sa mga pasang yan eh!"

"Cause I'm not yet ready ok? but, this time I'll fight him."

"Hope so!"

Hindi kumbinsidong sagot ni Thea at ininom ang coke in can. Bumuntong hininga lang sya at napansin ang Expensive gray Audi Sports car, na kakapasok lang sa loob ng campus.

"Wow!!! This is hot!" Thea whispered

"Wait..... Oh my god!"

"Huh? bakit?"

"I'm not sure but, same car model yan ng car ni Andrew."

"Andrew? Mr. Hottie Raven? I mean the beast one?" Nagtatakang tanong ni Thea at muling binalik sa kotse ang mga mata.

"Yes, the beast!" At inabangan nya ang pagbaba ng nagmamaneho sa kotse. well hindi lang naman sila ni Thea ang nag-aabang, ng lingunin nya ang mga estudyante sa bench, lahat nakamata sa Sports car na nagpapark, hindi lang mga babae pati narin ang mga ilang kalalakihan na marahil nagagandahan rin sa Sports car. Ewan nya pero bilang bumilis ang tibok ng puso nya, nakaramdam sya ng takot habang unti-unting bumababa ng kotse ang lalake at hindi nga sya nagkamali, si Andrew nga ang laman ng Sports car.

He is wearing a white polo sleeve na nakaroll hanggang sa siko, at bukas ang ilang butones non, maong pants and chuck, isama pa ang nagsusumigaw nitong expensive Ray-Ban sunglass. Oh god why this Man is so good looking!  Sigaw ng isip nya.

Nilingon nya ang mga nasa Bench na nagbubulungan kung sino ang bagong dating, at lahat halata ang paghanga rito, well kahit naman sino ha-hanga sa gwapong mukha ni Andrew isama pa ang Hair porn style nito.

"Oh hell!! He is so fucking hot!" Hindi mapigilan ni Thea na sabihin. Nilingon nya ito at muling binalik kay Andrew ang mga mata.

"Shit what a perfect hottie!"

"Like a hollywood star! who's this hottie?"

"Oh my god! what a perfect hair!"

Ilan sa mga narinig nya na sabi ng ilang mga kababaihan roon. Well totoo naman lahat ng sinabi ng mga ito. Kahit sya kitang-kita nya ang ebidensya. Gwapo at malakas talaga ang dating ni Andrew. Agaw eksena ito marahil kahit saan pumunta. Tumingin sya sa dako nito at napansing sa kanyan din nakatingin, at lumakad ito papunta sa dereksyon nya. Napalunok sya.

Tila isa itong Hollywood Hottie sa isang Teen movie habang tila slow motion ang paglalakad at halos lahat ng naroon kay Andrew nakatingin, may narinig pa syang tumili ng tanggalin ni Andrew ang Ray-Ban nito.  Pakiramdam nya pangangapusan sya ng hininga habang nakasunod ng tingin sa bawat galaw ni Andrew.

"Oh my god!" Si Thea sabay hila pa sa blouse nya

"Ano ba!" Sita nya rito at napansing nakatanga ang kaibigan kay Andrew.

"What a Perfect beast!" Dagdag pa ni Thea.

"Tumigil ka nga!" Inis na sagot nya. At binalik kay Andrew ang mga mata. Nakatingin lang sya rito, straight to his black beautiful eyes, and what she find out? Danger!  Nagbabantang panganib. tulad kung paano sya nito tignan kagabi, napahawak sya sa siko nya na may pasa at pasimpling sinilip ang bakas ng kamay ng kalupitan nito kagabi  aaminin nyang nakaramdam sya ng takot rito.

"Oh no! I have to go!" bulong nya sa kaibigan na kay Andrew parin nakatingin at tila nag da-day dream pa ito.

"Thea! stop it!" saway nya rito, at mabilis na kinuha ang mga gamit sa bench.

"Stop day dreaming!" Sita nya sa kaibigan at mabilis na lumakad bago pa makasagot ang kaibigan. Kailangan na nyang makaiwas bago pa sya maabutan ni Andrew. marahil nagsumbong na rito ang Mommy nito, and no doubt pumunta ito sa San Miguel University para kausapin at takutin sya, worst baka saktan sya ulit nito tulad kagabi, tulad ng mga banta nito.

"Why?! what's wrong?!" nagtatakang habol na tanong ni Thea sa kanya. Pero nagtuloy lang sya sa paglalakad. Kailangan nyang makaiwas, dahil baka mapahiya sya sa buong campus

"Bye! See you later!" Sigaw na paalam nya kay Theaa. Halos takbuhin na nya pababa ang hagda para lang makaiwas kay Andrew. Ng lingunin nya si Andrew ang dereksyon nya ang tinatahak nito.

"Oh god! he noticed me, I'm dead!" bulong nya and she silently praying na huwag sana syang maabutan nito, baka mapahiya sya pag sinaktan sya ulit nito.

"Yna! wait!" malakas na tawag ni Andrew sa kanya, napahinto sya sa paghakbang.

"I'm going to die now!"


Hi, you can read the whole story on Dreame. Search nyo lang po Penname ko MrsDarcy14 avaialble po sya dun. salamat xx

Because Of Love  (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon