True Love 5 ♥

416 19 5
                                    

---

True Love or Just a Dream?

True Love 5 ♥

Written by CuteChubbyMe♪

---

/October 10,2011/

            "Happy birthday to you ♫ ♪" Ang medyo wala sa tonong kanta ng mga Spikers sa birthday party na inihanda nila para sa akin. The day of my 17th birthday came :) Super saya. Lahat sila naghanda ng messages sa akin. Actually uwian na ito, pero dahil mahal na mahal nila ako ay humirit pa sila ng isa pang napakatouching na kanta.

               "Bye Mek, happy birthday ulit! Next year ah? Debut na nya! Maghanap ka na ng escowrt mow! >:P" mapang-asar na sabi ni Cienne. "Hayaan mo, magsisimula na akong maghanap para sayo. Bye bubwit! Thanks ulit sa gift!" at niyakap ko na si Cienne at nag-paalam na siya. Kasabay na nya ang iba pang Spikers.

            "Sige na Mek, kami na ang bahala dito, papalinis ko na lang ito sa mga janitors. You need some rest." Coach Ramil. "Oo nga, kami na dito baby. Uwi na kayo ni Arabells. :)" sabi ni ate Aby sabay tapik sa balikat ko. "Sure ba kayo ate, coach? Nakakahiya naman po? Kayo na lang tay Ramil ang umuna, kami na lang ni Ara dito :)" nakangiting alok ko sa kanila. 

             Halos ma out of balance ako ng banggain ni Baks ng pwet nya ang bewang ko. "Ano ka ba Baks! Minsan lang mag offer ng ganyan yang si tay Ramil. Sulitin mo na!" Nagtawanan silang tatlo habang ako naman ay medyo nakakaramdam pa rin ng hiya. Aba syempre naman! Coach pa rin namin to no -_____-

                "Ikaw talaga Victonara. Sya sya, makinig ka na jan sa bestfriend mo Mika. Mas mabuti na yung maaga pa lang makauwi na kayo para kung sakaling may iba ka pang pupuntahan eh libre ka ng makagala. Tutal meron pa naman kaming mga pag-uusapan ni Aby tungkol sa team" pagpapaliwanag ni coach. "Sure po kayo tay? Kakahiya naman" sabi ko. Niyakap ako ni tay Ramil ng mahigpit at sinabing, " Okay lang anak. Sige na" 

           "Sige po tay, salamat po. Ate Aby, una na po kami. Bye po. Uy Ara, tara na." pag-aaya ko dito. "Wait lang, kunin ko lang yung bag ko" sabi ni baks. Lumabas na ako sa room kung saan naganap ang birthday party ko. Sa sobrang pagod ay napasandal na lamang ako sa pader habang hawak hawak ang cellphone ko.

            "Happy birthday beautiful baby sister Mikay ko! One year na lang lady na sya!" - Yutien Pogi Andrada.

              "Maligayang kaarawan Mika! Have a great one! :) - Thomas Torres

            "Happy happy birthday Miks :) saka na lang yung gift ko sayo, wala pang budget eh XD haha! God bless!" - Robbert Bolick

             "Happy birthday Mika! Stay pretty alright? See you soon!" - Gretchen Ho

            "Happy birthday po! Dalaw ka dito sa amin minsan ah?! Jombangan tayo XD" - Mae Tajima

            Nakakataba ng puso ang lahat ng mga bati galing sa mga tropa ko dito sa La Salle pati na rin doon sa kabilang ibayo na ka-rival univ namin :) Pati sa Twitter nag trending na yung #17ReasonsWhyWeLoveMika pati #HBDMIkaReyes :) nakakatuwa eh! Pero..

            Pero yung isang bating pinakahinihintay at hinahanap ko wala pa rin hanggang ngayon :(

BAKIT WALA MANLANG POST SA FB NA "HAPPY BIRTHDAY MIKA" GALING KAY JERON?! TT.TT Grabe naman, kahit direct message sa Facebook ni miski sa Twitter wala :'( huhuhu. Alam nya naman na birthday ko pero bakit hindi manlang sya nag effort. :( 

           "Heuythueythueyt, bakit parang ang tamlay ng feslak ng lola nyo?! Anong meron jan?" Biglang sumulpot si Ara sa tabi ko at pilit na tinitingnan kung ano ang na sa cellphone ko. Agad kong itinulak ang mukha nya palayo sa cellphone ko. "Ano ba! Wala to! Aneszx naman 'to eh -____- tara na nga umuwi na tayo. Mapapatay mo ako sa kaba eh" sabi ko sabay talikod at naglakad na ako, iniwang nakatayo si Ara.

True Love or Just A Dream ♥ (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon