Chapter 8. Meet Zane Ferrer

17 0 0
                                    

Sabrina's POV

Nai-imbyerna talaga ako sa Zach na yun. Hindi porke crush ko siya pwede na nya akong tawaging ganun. I'm not stupid.

Pagpasok ko sa room wala si Ally. Nasaan kaya yung babaeng yun? Di bale na nga lang maghihintay na lang ako dito.

While I'm browsing the facebook, may biglang nanggulat sakin.

" Huy!"

"Ay kabayo!" gulat na gulat na sabi ko. Sino ba tong makapanggulat wagas?

" Hahahaha you're so cute. And I'm not a horse. Sa gwapo kong to." sabi niya sabay wink. May sapi ba mata nito? Lagi na lang kumikindat e.

"Uhh ikaw pala Zane."

"Yes I'm the handsome Zane."

Bukod pala sa sapi niya sa mata may pagka-mahangin din to e. Ibang iba talaga kay Zach.

" Sabi mo e." sabi ko na lang baka kasi lumaki lang ang ulo kapag sumang-ayon pa ako.

" By the way, pwede mo ba akong samahan mamaya sa cafeteria?"

"Ah bakit ako?"

"Wala pa kasi akong kilala dito e and I think mabait ka so sayo ako nagpapasama. Ano pwede ba?"

" Sige. " sagot ko . Ang kulit kasi e.

" Yes! Thank you Sabrina."

Bumalik na siya sa upuan niya dahil dumating na din ang iba naming mga kaklase. Ang tagal naman ni Ally hindi naman yun tinatanghali dati e.

After few minutes of waiting dumating na din siya kasunod ni Ma'am at ni Zach sa likuran. Nag-start na ang klase kaya hindi ko na siya nakausap. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin.

Pagtingin ko kay Zach ayun naka-poker face na naman. Yan na ata ang usual face niya e. Tsk. Naalala ko na naman yung 'stupid-thing' na yun. Humarap siya sakin.

"Why are you looking at me?" sabi niya with a serious face.

"Wala."

'Sungit' bulong ko pero mukhang malakas ata ang pandinig niya.

"What did you say?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.

" Wala, wala. " sabi ko na lang.

"Tss."

Natapos na ang klase at oras na ng lunch. Pumunta agad ako sa upuan ni Ally.

"Oy babae, bakit late ka kanina?"

" E kasi naman po late na akong nakatulog kasi pinanood ko po yung latest series ng Legend of the Blue Sea kaya late na din akong nagising hihi."

"Hay naku, ikaw talaga. Samahan mo na lang kami."

"Kami? Nino? Saan?"

"Oo, ni Zane, sa cafeteria. Tara na dali nahihiya akong ako lang mag-isa e."

" O sige tara."

At pumunta na kami sa pwesto ni Zane.

"Zane tara na. Pwede ko bang isama si Ally?"

" Sure. Tara na gutom na ako."

Pumunta na kami sa cafeteria at halos lahat ng mga mata ay nakatuon samin. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? ay gwapo pala..

"Okay, ladies what do you want to eat? My treat."

"Ah ano wag na nakakahiya." sabi ko.

"Gusto ko ng carbonara tsaka burger and fries na din tapos juice na lang yung drinks. Salamat. " sabi ni Ally na hindi man lang nahihiya.

" Huy ano ka ba? patay gutom?" bulong ko kay Ally pero natawa lang si Zane.

" It's okay wag kayong mahiya sakin. So, anong sayo Sabrina?"

" Ah spaghetti na lang at fries."

" Okay girls ako na lang din ang pipila hanap na lang kayo ng pwesto." sabi niya at umalis na.

" O galante naman pala yang si Zane e at gentleman pa haha."

" Alam mo nakakahiya ka napapaghalatang matakaw ka e."

"Sus parang hindi ka nanggaling dun ah. Yaan mo siya, siya naman yung may gusto nun e. Tara na hanap na tayong pwesto."

At naupo kami sa may bandang dulo habang hinhintay si Zane.

"Hi, sorry kung natagalan. Ang haba ng pila e. " sabi niya sabay abot ng mga order namin.

" Ayos lang, kain na tayo." sabi ni Ally at nilantakan na nga niya yung pagkain.Hays!

" Zane matanong ko lang, bakit ngayon ka lang nag-transfer dito?" tanong ni Ally.

Oo nga, ngayon ko lang din nalaman na may kakambal pala si Zach.

"Sa America kasi ako nag-aral at marami din akong ginawa dun kaya ngayon lang ako bumalik dito."

"Hmm,pwede ba kitang tanungin tungkol sa sarili mo?"

Buti na lang talaga at isinama ko si Ally ng may kausap tong si Zane. Tahimik lang akong kumakain.

"Sure. What do you want to know?"

" Anong mga hilig mong sports?"

"Basketball"

"Mahilig ka din bang manood ng koreanovela?"

"Oo, Legend of the Blue Sea is my favorite."

" Ay parehas tayo. Ako din e."

"Oh? That's great."

"May girlfriend ka ba?"

Naubo naman ako sa tanong na yun ni Ally. Ano ba naman tong babaeng to walang pasintabi ang bibig.

" Hmm wala. Naghahanap pa ako e haha."

Ay nag-blush si ateng. Aha I smell something fishy sa babaeng to ha.

" Ah ganun ba.  Sige maghanap ka lang."

Nag-ring na yung bell kaya bumalik na kami sa room.

"Bes, okay naman pala siya e."

"Oo nga e halata masyado." sabi ko sa kanya nang nakakaloko.

Dumiretso na kami sa mga upuan namin.

"Hmm Sabrina thanks nga pala sa pagsama."

"Naku wala yun ako nga dapat magpasalamat sayo sa libre e."

"It's okay. Welcome. "

Yeah, he's nice.

-----------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now