Sabrina's POV
Wala naman masyadong bago sa mga sumunod na araw. Si Zane araw-araw na naming kasabay kumain syempre requested ni Ally, feeling ko talaga may gusto yun kay Zane.
Habang nagkakalikot ako ng phone ko biglang pumasok sa kwarto ko si Alex.
" Baby, what do you want?"
Medyo nahihiya pa siya pero lumapit siya sakin.
" Kasi ate I wanna hang out this coming Sunday. Can you come with me?"
Naisip ko na yun ang araw na pupunta kami nina Zach sa park.
" Hmm. Hindi mo ba tinanong si Kuya Zeke?"
"He's not free e. Please atee!" sabay puppy eyes.
Aw! So cute. Hindi ko naman siya matatanggihan e.
" May pupuntahan din kasi ako e. Ayos lang ba sayo kung may ibang kasama?"
"As long as you're with me. Nami-miss ko na kasi sina Mommy."
" Aww! So sweet." at niyakap ko siya.
Pagkatapos nun lumabas na siya ng kwarto ko.
Sasabihin ko muna kay Zach, baka magulat yun e.
Sab: Uhmm, ayos lang ba kung isama ko yung kapatid ko?"
Zach: Why? Are you a kid for a baby sitter?"
Sab: No. He's my younger brother at nakiusap siya sakin na mag-bonding kami sa Sunday. Please Zach pumayag ka na!
Zach: Okay, as long as he will not be a pain in the ass.
Sab: Ay grabe ka naman. Mabait yun no.
Zach: K.
Sab: Salamat Zach.Para na kaming happy family hihi. Saka ko na lang iisipin yun may iba pa akong kailangang malaman.
---------
Thanks God it's Friday! Nalalapit na ang pinakahihintay kong araw. I'm so excited hihi!Bumaba ako para sabayan si Kuya na kumain. Naisip ko kasi dapat nagtitipid ako haha.
" Kuya, lalabas kami ni Alex sa Sunday ha. "
" Sige, hindi kasi ako free kaya hindi ko siya masasamahan e. Busy ako sa isang company natin."
Lately nga napapansin kong sobrang busy niya. Minsan nga late ng umuwi.
" Magpahinga ka din naman kasi. Wag mong pinapagod yung sarili mo, baka magkasakit ka niyan." alala kong sabi sa kanya.
" I will, thanks. Basta take care of Alex ha. I got to go. Bye." paalam niya sabay kiss sa cheeks ko bago umalis.
Ang sipag talaga ng nilalang na yun. Swerte ng magiging girlfriend nun. Pero, dadaan muna sila sakin bago nila makuha si Kuya *evil laugh* haha joke.
Bago ako umalis ipinagbilin ko kina yaya na pakainin si Alex at asikasuhin, mamaya pa kasi ang pasok nun kaya tulog na tulog pa. Hindi na ako nagpaalam masyadong mahimbing ang tulog niya para gisingin ko pa.
Sa school...
Syemore ganun pa rin. Magdi-discuss si Ma'am, hindi ako makikinig, titingin kay Zach. Hayss! Routine ko na to mga bes!. Pero ang hinihintay ko talaga ay lunch hindi dahil excited akong makasabay si Zane. Kayo ha! I just want to know kung saan kumakain si Zach.
Lunch na..
Sa wakas, hindi ko inalis ang tingin ko kay Zach. Lumapit sakin si Zane..
" Sabrina, tara na kain na tayo."
" Ah hindi kasi ako makakasabay ngayon e may gagawin pa kasi ako sa library, kayo na lang muna ni Ally ha. Sorry talaga."
" Ganun ba? Sige pero pag nagugutom ka tawag ka lang samin ha. I'm just one call away." biro niya.
" Haha ikaw talaga puro ka kalokohan. Sige na."
'I'm serious.'
"May sinasabi ka?"
" Sabi ko ang gwapo ko. Sige na, punta na kaming cafeteria."
"Ally tara na, hindi daw sasama si Sabrina." tawag niya kay Ally.
" Ay?! Bakit Sabarina?" tanong niya sakin.
" Ako na mag-e-explain tara na gutom na ako. "
Bago sila umalis tiningnan ko si Ally na may ngiting panalo. Anyare dito? On the second thought pabor nga pala kay Ally ang ginawa ko haha.
Back to the business. Nakita ko si Zach na tumayo na at lumabas. Sinundan ko siya hanggang makarating siya sa rooftop. May ganito palang lugar dito? Ngayon ko lang nalaman ha. Ayun, nakita ko si Zach na umupo sa isang silya tapos ay naglabas ng lunch box sa bag. Wow! nagbabaon siya ng pagkain? Gusto kong matawa kasi para siyang bata pero pinipigilan ko. Another side of Zach.
Lumapit ako sa kanya nang matapos siya sa pag-kain. Hays! Nagutom tuloy ako.
" U-uhmm. Hi Zach"
Nakita kong nagulat siya.
" What are you doing here?"
" Ah, sinundan ka?"
" And why? I knew it, you're a stalker."
"Oy hindi ah. Na-curious lang kasi ako kung saan ka kumakain."
" And why do you care?"
" E kasi baka hindi ka kumakain tuwing lunch kaya ka laging tulog e."
"Tss. "
"Bakit hindi ka sa cafeteria kumakain?"
" You don't care."
" Sungit naman nito, tinatanong lang e."
"Tss. I don't want to eat there because of those girls shrieking and drooling over me. I don't want to get any attention so I'm avoiding all the people here. "
" Ah, kaya pala ang sungit mo. Naiintindihan ko na. Pero, hindi ka ba nalulungkot na ikaw lang mag-isa dito?"
"I'm used to it. It's my routine since elementary. And why do I even answering your questions?" tanong niya na parang sa sarili niya tinatanong.
Nag-smile lang ako sa kanya.
Tumayo na siya akmang aalis na pero may sinabi ako na nakapagpatigil sa kanya.
" Don't worry, dito na lang din ako kakain para may kasama ka."
"I don't need a company. I want to be alone."
" Wala kang magagawa wether you like it or not. "
Umalis na siya pagkatapos nun.
Paano ba yan? Mukhang magbabago na ang kainan ko at mukhang kailangan ko na ding magbalot. Pero paano sina Ally? Hindi naman pwedeng palagi akong magdadahilan sa kanila? Pero kawawa naman si Zach, paano na ito? Hays! Bahala na si Batman.
-----------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘
YOU ARE READING
IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!
Teen FictionWhat if in-accept ka na ni crush sa facebook? Will you grab the chance para mapalapit kayo sa isa't isa? -------------- What if may nag-add sayo sa FB na hindi mo kilala? Hahayaan mo ba siyang pumasok sa buhay mo? Well, let see kung anong mangyayar...