Chapter 3

8 1 0
                                    

Luxury Cheise Ortega

"I'm Kley Pierce, and you're Luxury Cheise right?" Damn guys, my heart is going wild. Help me! Since I didn't know what to say I just nodded. "What a nice name." Bolero pala to. Hahaha!

"Thank you." Sabi ko sabay ngiti. Hindi naman to club so magkakarinigan kami kahit di kami mag sigawan. Ngumiti siya, pakshet. Ang gwapo niya pag nakangiti. Umiwas na lang ako ng tingin sakanya para di masyadong halata. "So what should I call you?" Tanong niya. Duh pwede namang Lux.

"You can call me Lux." Syempre. Demure tayo mga ate girl. Hahaha kelangan hard to get. Wag maniwala sa "easy to get, hard to forget." Dapat "hard to get, and hard to forget." Charing hahahaha. Kaya sinabi ko yan sakanya without looking at him.

"Gusto mo bang lumabas?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Bakit? Kasi po nag lalampungan na tong mga kasama ko. Joke. Typical holding hands with lambingan lang.

Nagulat ako nung inabot ni Pierce sakin yung kamay niya pagka tayo niya. Inabot ko naman yon dahil medyo masikip nga sa couch. Anyway, lumabas na kami ng bar. Buti ay may mga upuan dito. Alam niyo naman yung mga upuan sa SB diba? Yung sa labas. Ganern yung setting pero yung upuan is made of wood. Pinag hila niya ako ng upuan nung makaupo ako ay umupo siya sa harap ko.

"You can call me Pierce." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko at nakangiti. Oh gosh, those hazelnut eyes. When I noticed that I was totally checking him out inayos ko ang sarili ko. I'm so embarrassed right now. I should talk to him diba?

"So Pierce, pano nakilala nung friend mo na si Seb yung ate ko?" Tanong ko. Well I'm kinda curious din kasi. "Well, Seb needed an architect for his new project in Batangas yun nga lang ay yung architect na nakuha niya before Max ay kinailangan lumipat sa states. He's sure na hindi yon totoo and that architect is just making an excuse. He then called his secretary to find a professional architect then, it was your ate." Pag kwento niya. Talaga nga naman. Ako kaya kelan ko mahahanap? Charot. Bata pa 18 pa lang hahahahaha!

"How old are you? Same age ba kayo nila ate max?" Tanong ko ulit. Di na kasi siya nag salita after. Last question na ito then I'll stop asking na. "I'm 19. And I just turned 19 today." So salubong ng birthday niya pala to. Hmm.. Well I need a friend bukod kela ate na would help me sa directions dito sa Pinas so, gagawin kong friend tong si Pierce ngayon. If you're wondering kung anong oras na, it's 1:30 a.m.

"Do you wanna go somewhere? Para fresh air naman ang malanghap ko. Dahil next next week ay start na ng klase." Tanong niya. Sakto. "Sure. Let's go to Antipolo. May overlooking don we can stay there for awhile." Sagot ko. I miss Antipolo. We used to live there kaso super layo sa work ni papa.

Itinuro ni Pierce ang kotse niya habang nag lalakad. Bubuksan ko na sana ang pinto ng unahan niya ako. He's really a gentleman. Pumasok narin siya sa driver's seat tsaka nag drive papuntang Antipolo. Habang nasa kotse ay tahimik lang kaming tinatahak ang daan, nang mapansin kong malapit na kami ay pina hinto ko siya sa isang 24 hours na convenient store atsaka kami bumili ng maiinom at ng snacks.

After 15 mins. ay nandito na kami sa destinasyon namin. My happy place. Mapuno dito pwede kang sumilong, di masyadong open at di maingay. At! Libre mong matatanaw ang city lights. Habang pumaparada si Pierce ay inilabas ko ang cupcake at ang maliit na kandila na binili ko sinindihan ko na rin para ready. Eto na narinig ko na ang pag sara ng pinto ng kotse niya.

"Happy Birthday to you. Happt Birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Pierce." Kanta ko at ngumiti. Nakita ko naman ang gulat at saya sa mata niya.



Ewan ko pero kinabahan ako at nag wawala ang kung ano sa tyan ko.

__
Hi!!! How's my chapter 3? Is it boring? Comment lang and vote for new updates. Sana pag nagustuhan niyo ay mai-share niyo naman, suggest niyo na sa friends niyo. I swear mas madami pang maganda ang mang yayari kay Lux. Thank you!!

Love, Hera.
All Rights Reserved. January 2017

Us Against The World [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon