Chapter 5

5 0 0
                                    

Luxury Cheise Ortega

Medyo naiinis nako sa nang aalog sa 'kin, ayoko sa lahat kapag ginigising ako. Kumunot ang noo ko bago ako dumilat. "Hey calm down. It's me. Naka idlip ka kasi at malapit na ang sunrise." Nagulat naman ako at napatingin sa cellphone ko.

Hindi para tignan ang oras, kundi para tignan ang itsura ko. Damn it. Nakakahiya! Namumula ang cheeks ko dahil sa hiya. Mabuti na lang at maayos parin ang itsura ko.

I looked at him, he's still smiling at me. "Let's take a picture." I suggested since I was holding my phone naman. I don't know bakit pero feel ko lang makipag picture. We took some few pictures sa phone ko then kanya naman.

As time passes by the sun starts rising and then I took pictures of it. I just love taking pictures of sunrise, sunset, rain, moon, trees, busy and empty roads, buildings and such. And Pierce? His busy with his phone everytime na titignan ko siya eh.

"Tara na, Lux? I'll take you home. Baka hinahanap ka na ni tita Malia." Sabi niya habang nililigpit ang inupuan namin. "Kilala mo si mama?" Tanong ko sakanya habang papasok ng kotse. "Yep. Friends sila ni mama."

Habang pauwi ay tahimik lang kami sa kotse. Pagod siguro dahil nag bar kami tapos ang tagal rin naming tumambay. Pero wag kayo, pag pasok niya sa kotse nag picture ulit kami. Medyo inaantok nako at nagugutom, 6:30 na rin naman so for sure ay gising na si mama at nakapag luto na ng breakfast.

Pag dating sa 'min ay pinag buksan niya ako ng pinto. Laking gulat ko ng makita si papa sa labas ng gate at nakatingin kay Pierce. "Good morning, sir." Bati ni Pierce kay papa nang mapansin niya ito. Tumango lang si papa. Akala ko ay okay na pero ako naman ang tinignan niya. Napalunok naman ako.

"Pa, si Pierce. Kaibigan namin ni ate Max." Nakahinga ng maluwag si papa nung sinabi kong kaibigan namin. Kaya ngumiti siya, kala mo naman nanalo sa lotto. "Pumasok muna kayo. Kararating lang din ng ate Max at kuya Seb mo. Mag almusal na kayo." Sabi ni papa at tinuloy ang pag lilinis ng kotse.

Walang nagawa si Pierce kaya pumasok na lang rin siya. Pero unexpected dahil parang bad mood si ate Max. Nung mapansin kami ni mama ay lumapit siya saamin at tinignan ng mabuti si Pierce. "Ma, si Pierce." Pakilala ko kay Pierce kaya biglang nanlaki ang mata ni mama.

"Si Kley Pierce na ba ito? Yung unico hijo ni Patty?!" Tumango lang si Pierce na para bang manghang mangha siya sa itsura ng nanay ko. "Aba! Nakauwi na pala kayo dito....." Hindi ko na ike-kwento ang lahat dahil nag chikkahan sila habang kumakain. At sila kuya Seb? Eto di namamansin.

Nang matapos ang almusal ay hinatid ko na si Pierce sa labas. Nag paalam siya kela mama na nasa garahe bago umalis. At ako? Naka ligo at nakapag toothbrush nako. Ready to sleep!!

Bzzzt bzzzt!

From: Kley Pierce
Message: I'm home. Thank you for today.

To: Kley Pierce
Message: Happy birthday, Pierce! Have a good one. Sleep na 'ko. Thank you din.

Message Sent

Bzzzt bzzzt!

From: Kley Pierce
Message: Sleepwell, Leise.

And then I had a good sleep.

__
Chapter 5 finally done! I'm sorry it took so long. I was busy sa thesis eh. Anyway, vote if you liked it and comment if you don't para alam ko. Spread the word and the love. Thank you!

Love, Hera.
All Rights Reserved.

Us Against The World [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon