Mga Mata ni Vincent

1.9K 26 7
                                    


                              Sinasabi na ang mga mata ang isa sa mga pinaka importanteng bahagi ng ating katawan sapagkat maraming bagay ang maaari nating hindi magawa, maraming magagandang bagay na maaaring hindi makita, at mga magagandang pangarap na hindi matutupad. Nagsisilbing bintana ito ng ating pagkatao o kaluluwa ang ating mga mata. Ngunit hindi maintindihan ni Vincent kung bakit ito natawag na bintana ng kanyang kaluluwa.

                                Si Vincent Madrigal, 17, isang tipikal na teenager, makulit, pasaway, at nag-aaral ng mabuti. Isang matalinong bata si Vincent, at para sa kanyang mga magulang siya ang pinakamabuting anak sa buong mundo sapagkat ni minsan hindi sila binigyan ng sakit ng ulo nito at sa halip pa'y puro karangalan sa eskuwelan ang ibinibigay niya sa mga magulang niya.

                               Crush ng bayan din itong si Vincent. Ngunit kahit crush siya ng buong eskwelahan niya, hindi pa rin lumalaki ang ulo nito. Ngunit sa dinami dami ng babae sa mundo, isa lang ang tanging nasa puso niya, at yun ay walang iba kundi si Jane.

                               Tulad ni Vincent, si Jane ay isang consistent honor student at katunggali niya sa pagiging Valedictorian. Si Jane din ay isang campus crush, kayanaman, hindi maipakita ni Vincent ang kanyang nararamdaman kay Jane.

                               "Tol, ano ka ba? Crush ka din kaya ng bayan, bakit hindi mo subikang ligawan si Jane. Total, maganda siya at guwapo ka, bagay talaga kayo." sabi ng best friend niyang si Lawrence.

                               "Hindi ko kaya tol, dahil hindi ko pa siya nakakausap kahit isang beses. Graduation na natin sa susunod na buwan at hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko." sagot ni Vincent.

                              "Ano ka ba? May panahon ka pang natitira para masabi mo sa kanya ang nararamdaman mo." payo sa kanya ni Lawrence.

                              "Hindi ko alam kung paano ang gagawin at sasabihin." sagot ni Vincent.

                             "Ako ng bahala! magaling yata ako sa mga ganyang bagay." sagot ni Lawrence.

                           Sa gitna ng pag-uusap ng dalawang magkaibigan ay biglang napadaan si Jane sa kanilang harapan.

                         "Eto na ang pagkakataon mo Vincent. Gawin mo lang ang mga itinuro ko sa'yo, at sigurado akong mahuhulog sa'yo si Jane." paalala ni Lawrence sa kaibigan.

                          "Hi Jane! kamusta ka?" bati ng binata sa dalaga.

                         "Ayus lang naman ako. Malapit na ang graduation natin ha? Sino kaya sa atin ang magiging valedictorian?" sagot ni Jane.

                         "Siguro ikaw, kasi mas magaling ka naman sa akin." sagot ni Vincent.

                        "Eto naman, hindi kaya! Baka ikaw mas magaling ka sa math." sabi ni Jane.

                         "Jane siya nga pala, may gagawin ka ba mamaya? Pwede ba kitang mayayang kumain sa labas?"  pakabang tanong ni Vincent.

                          "Oo naman basta libre mo ako ha?" sagot ni Jane.

                         "Aba siyempre,  oo, sure!" di mapakaling sagot ni Vincent.

                        "Sige mamayang 2pm sa Jollibee sa may SM Centerpoint." sabi ng dalaga.

                        "Sure. Sige! hindi ako male late." sagot ni Vincent.

Gabi ng Lagim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon