He is Always with Me

1.6K 31 8
                                    


I'm a PUPian, and this started when I was a freshman. Syempre, freshie, gusto ko iexplore yung buong campus. Then may isang lugar sa campus which is yung linear park, dun ako tumatambay minsan with friends, minsan with my boyfriend. That time I'm with my boyfriend, we're talking about life, goals, ganon. Then mejo ginabi na kami, which is normal kasi madami pa naman talagang tao sa school hanggang 9pm. Mga 7pm yun, nagkkwentuhan pa din kami at nabilang na ata namin ang mga bangka na dumadaan sa ilog pasig. Tapos hindi ko na alam yung nangyari. Ang naalala ko lang, nanlamig ako tapos nasa labas na kami ng school, naglalakad pauwi sa dorm ko. Nung parang bumalik na ko sa senses ko, naiiyak yung bf ko. Sabi lang nya ""Anong nangyayari?"" ""Wag mo ng uulitin yan please lang"" naiiyak sya at natatakot. So ako, hindi ako aware sa kung anong pinagsasabi nya. Kinwento nya saken.

Habang nag uusap daw kami, bigla na lang akong tumingin sa kabilang dulo ng park. Sobrang layo daw ng tingin ko, dun sa madilim na part ng park. Tapos nangingitim daw yung mata ko. Namumutla din yung mukha ko. Pag tinatawag nya ko, di daw ako tumitingin. At nung tumingin daw ako sa kanya, nanlilisik yung mata ko at nangingitim daw. Hindi ako makapaniwala, dahil wala akong maalala. Dun nagsimula lahat hanggang ngayon. Throughout my college life at nagdodorm, laging may weird na nangyayari. Minsan, makikita ako ng boardmates kong nakahiga, walang imik, nakatulala sa ceiling. Minsan makikita nila ko ng madaling araw, nakaupo sa terrace ng dorm, nakatingin sa tapat na school sa pureza. Minsan makikita nila ko nakatayo, kung san sang parte ng dorm. Hindi nila ko makausap. Pero pag bumabalik ako sa senses ko, tsaka nila sasabihin. Wala akong masagot, wala akong alam. Hanggang sa lumala yung naeexperience ko.

May nakikita na kong anino ng lalaki, malaking lalaki. Not sure kung anino kasi itim lang sya. 2nd yr, nagbreak kami ng bf ko. Okay, wala na kong paki sa kwento ng love life ko. Haha going back... 2nd yr, 3rd yr, 4th yr, hanggang nagwork ako hanggang ngayon, kasama ko pa din yung anino. Nakakatakot. Nakakaiyak. One time bantay ako ng Lola ko. May kwarto ako sa bahay ng Lola ko. Pag natutulog ako, it's either naka t-shirt ako then panty, or shorts tas nakabra lang. Pero nakakumot ako. Then isang gabi, nagising ako, may nakita ako sa labas ng pinto, lalaking nakatayo, nakita ko mata nya, pula, nakatingin saken. Natakot ako at naiyak hanggang makatulog.

Then the next night, nagising ulit ako, nakita ko ulit sya, nasa loob ng room ko. Nakatingin saken, walang imik, walang galaw. Hindi din ako nakagalaw at napadasal na lang ako hanggang makatulog. Pero nung pangatlong gabi, nakatulog ako ng mahimbing hanggang sa nagising ako dahil lumubog yung foam sa paanan ko. Pagdilat ko, nakaupo sya sa paanan ko at nakatingin. Nagsalita sya, samahan ko daw sya. Hindi ako nakagalaw, hindi ako nakahinga hanggang nagpalpitate na ko at muntik ng atakihin sa puso. After nun, hindi na ko natulog ulit sa bahay nila Lola, lalong hindi na ko natutulog ng hindi nakashorts o shirt. Hindi dun natapos. Gusto nya kong kunin. Kahit san ako magpunta, kahit sa panaginip ko nandun sya.

Sabi nila mama, wag na wag akong sasama dahil baka hindi na ko makabalik. Sa huling dorm na napagstayan ko, binangungot ako. Nagising ako at tumayo, nakita ko mga roommates ko, pero pagtingin ko sa kama ko, nakita ko katawan ko. Sumigaw ako, tumakbo, tumalon, wala akong napala. Dumating sya, sabi nya...  ""Tama na, halika na. Sumama ka na saken."" Hinatak nya ko sa dilim, hindi na ko makahinga, parang nalulunod ako. I almost gave up. Pero narinig ko boses ng roommate ko, tumakbo ako, hinanap ko. Hanggang sa nagising ako. Sabi nila, may naririnig silang boses ko pero di nila pinansin dahil mahimbing tulog ko. Pinagdasal nila ko. Lumipas lahat, nasanay na ko. Gumraduate ako, nagkawork. Ngayon akala ko wala na... pero lagi syang sumusulpot kahit san ako magpunta. Regardless kung gabi o umaga. Ang pinaka worst, nahahawakan nya na ko. This is my last story... The creepiest as f*ck..

Kasama ko bf ko, natutulog kami. Nagising ako, nakita ko sya sa dulo ng kwarto, nakatingin lang. Normal na saken lahat, di ko pinansin. Pero lumapit sya ng konti, I tried to wake my bf up. Pero di sya nagigising. Sumiksik na lang ako sa kanya at tumalikod sa anino. I tried to sleep. Umiiyak na ko sa lamig. Then suddenly, may humatak sa legs ko. Halos umabot na yung paa ko sa dulo ng kama. Sobrang naiyak na ko pero inisip ko baka yung normal lang na parang nalalaglag tayo pagtulog. Gets nyo? So I crawled back sa bf ko. Hindi sya nagigising. Then the worst happened. May humatak sa kamay ko, so napaharap ako sa ceiling then pagdilat ko.... I saw him. Face to face. Pula yung mata nya, umiiyak sya. Dinidiin nya ko sa kama. At sabi nya ""Sumama ka na, wag mo ng pahirapan sarili mo. Halika na, (my name)"" I tried to respond, sabi ko ""Tama na. Tigilan mo na ko. Stop.."" ""Stop.....""

Hindi ako makahinga. May narinig pa kong isang boses. ""T*ng*n*! Tigilan mo sya! Lumayas ka dito! Sakin sya! Tigilan mo ang mahal ko!"" Galit na galit pero umiiyak yung boses.. yung boyfriend ko. Tapos nagising ako, nakita ko sya, umiiyak. Sabi nya saken, hindi daw nya ko magising. Gumagalaw daw ako na parang hinahatak o na eexorcist at sabi ko daw ""Tama na... please stop..."" Niyayakap nya daw ako, pero nakadiin yung braso ko sa kama. Natakot daw sya nung parang bumuga daw ako ng huling hinga ko, kaya sya sumigaw. Gising sya nung unang beses na sumiksik ako sa kanya, at nakita daw nya lahat ng nangyari saken except sa anino.

After nun, hindi ko na sya nakita ng malapitan. Nakikita ko pa din yung anino, pero sa malayo. Minsan naririnig ko sya. ""Maging masaya ka.""

Narealize ko yung mga times na kinakausap nya ko. Nadepress kasi ako noon, at pag depressed ako, sinasabi nyang ""Tama na, sumama ka na saken. Wag mo ng pahirapan sarili mo."" Ngayon... ""Maging masaya ka.""

He's still with me. Ngayong nagttype ako, nakikita ko syang nakatingin saken at alam kong alam nyang kinkwento ko 'to sa inyo. This is all true at hindi madali. Hindi lang sya ang nakikita ko. Pero nasanay na lang ako. Gusto ko ng matigil to. Napapagod na din ako sa mga nakikita, nararamdaman at naririnig ko.

Gabi ng Lagim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon