Susunod Ako Mahal.....

1.3K 19 1
                                    


May long time girlfriend ako, itago natin sa pangalang Mae, we've been together since highschool. I still remember nung una ko siyang nakita, transferee siya noon sa aming school. Agad akong nagkacrush sa kaniya, bakit hindi eh talagang pamatay sa ganda. Aminado ako presko ako, bata pa lang ako nun pero hindi ko na mabilang ang mga naging gf's ko. Niligawan ko agad siya, binakuran, alam ko na maraming nagalit sa akin dahil hindi na nakaporma ang mga ungas na may gusto rin sa kaniya. Pero who cares, mabasag man ang mukha ko okay lang, masiguro ko lang na ako ang winner sa puso niya.

Highschool pa lang ako meron na ako nun scooter, regalo sakin ni Papa. Ginagamit ko yun service sa school, syempre para na rin maihatid-sundo si Mae, minsan iginagala ko na rin siya pero doon lang sa aming bayan. Hindi nga nagtagal, napasagot ko siya. Sobrang saya ko nun kasi ako ang first boyfriend niya, ang swerte ko talaga biruin mo yun. Doon na nga nagsimula ang akala ko ay mala-fairy tale sana naming relasyon.

Tumagal kami ng seven years, sa panahong iyon ay puro ligaya lang ang nararamdaman namin. Nakuntento ako, she has everything a man could want in a woman, in a friend, in a lover. Magkasama kami palagi, pati sa university magkasama pa rin kami. Nakabili ako ng bagong motorsiklo, mula nun lalong dumami ang mga happy memories namin. Tuwing weekends kasi gumagala kami gamit ang motor, kahit sa malalayong lugar nakakarating kami. Tinuruan ko na rin siya magmaneho para kahit wala ako kaya na niyang gumamit ng motor. Hindi ko lang akalain na iyon pala ang magiging mitsa ng malaking dagok sa buhay ko.

Year 2014, nakatapos kami pareho sa kolehiyo. Nagsimula na ang panibagong yugto sa buhay namin, nagkaroon kami ng kaniya-kaniyang career. Hindi na katulad nung dati na buong oras namin inilalaan para lang sa isa't-isa. Isang gabi, tumawag siya sa akin, asking kung pwede ko raw siyang samahan bukas dahil may pupuntahan siya. Dahil hectic ang schedule ko that time dahil medyo nagsisimula pa lamang ako nun sa trabaho, I said no. May strike that time sa Ayala kaya pahirapan kung magcommute siya, so dahil nga sa marunong naman na siya magdrive ng motor at meron na rin siyang license ay inoffer ko na lang na hiramin niya ang motor ko tutal kabisado na niya doon. Nung una ayaw pa nya, but I insist, pumayag din siya.

Nasa kalagitnaan ako ng meeting sa opisina nung biglang tumawag si Tita Jen (mama ni Mae) at sinabi  niyang naaksidente daw si Mae sa motor. Bigla akong nanghina, ni hindi ko na nga maaalala kung paano ako nakapunta sa hospital na pinagdalhan sa kaniya. Sinalubong ako ni Tita Jen, histerikal na umiiyak, wala na si Mae, wala na siya. Wala na ang babaeng naging matalik kong kaibigan at mabuting nobya, wala na ang babaeng nakasama ko sa loob ng pitong taon. Hindi ko na alam kung anong naramdaman ko, samu't-saring emosyon ang naglalaro sa dibdib ko. Kasalanan ko, kung sinamahan ko lang sana siya ay hindi sana siya maagang nawala. Kung hindi ko sana siya tinuruan magmotor at ipinilit itong ipagamit sa kaniya ay sana buhay pa siya ngayon. Kung sana, maraming sana.

Mula nung mawala siya, nawalan na rin ako ng gana sa buhay. Lagi akong tulala, hindi makakain ng maayos, laging nakakulong sa kwarto. Lagi kong naaalala ang matamis niyang ngiti at ang pangungulit niya sa akin noon na pakasalan ko na siya. Tatlong beses na rin akong nag attempt magpakamatay, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Nung una naglason ako, pero mild lang ang nangyari. Pangalawa sinubukan kong magbigti pero agad akong nasaklolohan ni Mama. Yung huli nga ay nung maglaslas ako, binabantayan lang talaga ako ni Mama kaya naging maagap siya na madala ako sa hospital. Natakot daw talaga siya dahil madalas akong nagsasalita mag-isa kaya naman hindi na rin siya pumasok sa trabaho, binabantayan na lang niya ako.

Ang tangi ko lang naalala, madalas kong nakikita si Mae, malungkot na nakatingin sakin at sinasabing "Sumama ka na sakin.." Dahil sa guilt at lungkot kaya madalas kong sinasabing "Susunod ako, Mahal.." at namamalayan ko na lang na nagpapakamatay na pala ako. Dahil sa mga nangyari sa akin, inilapit ako ng parents ko sa isang Pastor/Counselor sa aming bayan. Doon nga ay nag undergo ako sa isang council at ipinamulat sa akin ang katotohanan. Mula noon ay hindi na nagpakita sa akin si Mae.

"Kung magpapakamatay ka, hindi mo siya makakasama. Ang sabi mo mabuting babae si Mae, so kung gayun edi nasa langit siya. Kung kikitilin mo naman ang sarili mong buhay, sa impyerno ang bagsak mo" iyan ang tumatak sa isip ko. Imbis na magpakamatay, kailangan ko siyang gawing inspirasyon para mabuhay. Nangako na lang ako sa kaniya na tutuparin ko ang mga pangarap na binuo naming dalawa na magkasama, maging masaya kahit wala siya.

Hindi ko siya makakalimutan.

Kung nasaan ka man ngayon Mahal, sana alam mo kung gaano kita kamahal. Kung sana nagawa kitang pakasalan nung buhay ka pa, sana naipadama ko pa sayo ang malinis at totoong hangarin ko, ang mahalin ka lang ng tapat. Susunod ako, Mahal.. sa tamang panahon. Darating ang oras, magsasama din tayo sa dako paroon.

Gabi ng Lagim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon