Listen first

205 0 0
                                    

Okay, hindi pa po ako nakakaranas ng break up or pagka-busted siyempre kasi babae ako at hindi aamin at lalong lalo ng hindi manliligaw pero, hindi naman po ako manhid... tao din at nakakaramdam

So ito nga po siyempre sa first masakit yan.. lalo na kung minahal niyo yang taong yan' ng sobra, tapos maiisip mo yung mga memories niyo.. at alam ko rin naman po na ang pag mo-move on hindi yan one day limot mo na siya..

Pero ito po dapat yung may matino kayong paguusap... wag' pairalin ang galit, alam ko po yung iba jan! Ayy! Sus! Pakinggan niyo po yung side niya kung bakit nya yun ginawa, kung tungkol ba yun sa pamilya niya? Sa pag-aaral niya? May mahal na siyang iba? O baka naman po minsan yung kapakanan niya lang iniisip mo? Diba nga po lahat ng bagay may reason?

Or baka naman po may mali rin po kayo? Minsan po kasi sa sobrang pagmamahal natin nagiging o.a tayo diba? Aminin! Una sa lahat sa ating mga babae kapag may nakita ang ating boyfriend na babae, yung iba selos na... wag' ganun! Atsaka tingin lang naman yun eh, wala naman siyang ginawa... at di rin naman maiiwasan yan sa mga lalaki but at the end of the day magkakabati rin naman ehh, nagsayang lang kayo ng time para makasama ang mahal niyo..

At kayo namang mga lalaki! O.A na ba? Sorry naman... so yun nga para naman sa mga lalaki, yung iba di napipigilan ang galit, nakakapagsalita ng di maganda sa gf niya... alam niyo po kaming mga kababaihan, iba naman kami sainyo eh.. mas sensitibo po kami, sana maintindihan niyo yun... nagseselos kaming mga babae dahil... ba sa ano? Bakit ba kami nagseselos? Kaya kami nagseselos dahil mahal namin kayo, kaya wag' sana kayong ano..

At para sa ating lahat.. hindi tayo magkakapareho, sinadya rin na hindi tayo magkakapareho para balanse..

(Nagkatampuhan)

Halimbawa ang babae ang nagkamali, kadalasan si boy ba ang nagso-sorry ehh... kahit na po babae tayo na dapat tayo ang dapat inaalagaan dapat po ibaba naman natin yung pride chicken natin kahit kunti' lang, kasi di sa lahat ng oras susuyuin tayo niyan, baka naman may problema siya di lang natin alam tapos.. nagalit pa natin, di lalo na siya na stress so magbigayan tayo.. okay

Sa mga lalaki naman, kung may problema sabihin niyo na kasi.. di rin naman kami manghuhula para malaman ang problem niyo... ayaw din naman natin na magkasakitan diba?

Yung mga babae na loyal sa lalaki wag na mamili pa ng iba pa na jan na oh! Papakawalan pa ba? Minamahal ka na ng sobra.. maghahanap pa ng iba? At sa mga lalaki na loyal naman sa gf nila, minsan lang sa lalaki yan.. wag ng sayangin ang pagkakataon

-♡-

So yan muna for today..
Abangan pa po ang mga susunod na updates..

Don't forget na mag comment, and vote for every chapters, and follow niyo na rin po ako thank you!

No LabelWhere stories live. Discover now