#forBetter&forWorst

15 0 0
                                    

Sa lungkot at ligaya
Sa araw na kasama kita
Pina pangako ko na ikaw ay iingatan
Hindi magkakasakitan

Mamahalin hanggang magwakas ang ating hininga
Hanggang ang oras natin ay tapos na
Hindi magsisisi na binigay ko ang lahat ng oras
Hindi magsisisi sa hirap at ginhawa
Ikaw ang kasama

Pahahalagahan
Iingatan, kahit napakahirap
Kahit na nasasaktan
Ang gusto ko lang na iyong malaman
Aking mahal, walang oras na sumagi sa isip kong ika'y iwanan

At sana sa oras na ako naman ang may kailangan
Nandiyan ka sa aking tabi
Nakaalalay, nakaagapay
Hanggang sa aking huling hininga
Hindi magpapaalam

No LabelWhere stories live. Discover now