CHAPTER IV

12K 315 17
                                    


CHAPTER 4: FIRST DAY IN HELL

Napapunas ako sa noo ng matapos ang huling batch ng mga maletang ibinaba ko mula sa van. Dali dali ko iyong inipon upang hilain na lamang nila pagkatapos. Ito ang iniutos sa akin ng mga kasamahan ko upang magkaroon naman daw ako ng silbi sa pagpunta ko dito, mabuti na lang ay tinulungan ako ng driver kanina. Napabuntong hininga na lamang ako.

"can't you move a little bit faster, Vana? Gusto ko ng magpahinga!" inis na wika ni Shaine habang masama ang pagkakatingin sa akin. Pinigilan kong mapapikit ng mata dahil sa nakatingin silang lahat sakin...even that Devlin guy. Why can't they just help me para matapos na to? Aish!

"t-teka lang..." at idinala ko pa sakanila ang kaniya kaniya nilang maleta na mukhang buong bahay na ang nasa loob dahil sa bigat.

"gosh." Maarteng bulong ni Sandy at nanuna na silang pumasok sa gate.

Pagpasok namin ay may naghihintay na roong mga maids na siyang kumuha ng mga gamit at nagpasok sa mga kwarto sa itaas ng mansion. Everyone was roaming their eyes around with awe. I can't blame them, McPhille's Mansion is one of the oldest, yet still stands out because of its elegance. It was a bit modernized now, unlike the last time I went here.

"Leigh, anak!" napangiti ako ng makita si Nana Miyang na tumatakbo papunta sakin. Nakangiting sinalubong ko siya. God, I missed her so much. Magmula ng dalhin ako rito ni Devlin noon ay naging malapit sakin si Nana Miyang, ang mayordoma sa mansion. Naaalala ko pa noon na madalas niya kaming kagalitan ni Devlin kapag nagsosolo kami sa kwarto nito.

"Jusko anak, ang ganda ganda mo na lalo! Kamusta ka na? Bat ngayon ka lang nakabisita?" sunod-sunod na tanong nito sakin. Bahagya pa akong nagulat dahil sa mamasa masang mata nito na parang natutuwa siyang makita ako muli.

"N-namiss ko rin ho kayo, Nana. Maayos naman po ako. Kayo po?" Nakangiti kong balik tanong sakaniya. Masuyo niya akong hinaplos sa mukha at ngumiti ng malapad.

"alam ko, anak. Hinding hindi ka Niya pababayaan, iba man ang tingin sa iyo ng mga tao, pero alam kong---."

"Nana." Malamig na putol ni Devlin sa sasabihin ni Nana kaya napatingin kami pareho sakaniya.

"Iho. May kailangan ka? Pasensiya na, namiss ko lang itong si Leigh, matagal ko rin siyang---"

"Nana, my friends are tired. Can you tell the maids to bring us some refreshments?" malamig parin ang boses nito kahit sa pakikipagusap sa matanda. Kiming ngumiti ang matanda sa kaniya at tumango.

"sige, iho. Ipapakuha ko kayo ng meryenda." Bumaling sa akin si nana. "leigh, maiiwan ko na muna kayo ng mga kaibigan niyo. Sana mag enjoy kayo rito."

"oo naman po." Pilit kong pinasaya ang boses ko. Siya naman ay lalong lumapad ang ngiti at tumalikod na upang utusan ang mga maids. Nang nakalayo na si nana ay dinig ko ang bulungan ng mga kasama namin.

"what the hell was that? Pati ang kawawang mayordoma, nagayuma na rin pala."

"poor her."

"STOP THAT. Just get yourselves ready so we could start before dawn." Ani Devlin at umakyat na. sinundan ko na lamang sila ng tingin habang sumusunod ang mga kasama naming sa kani-kanilang kuwarto.

-

"Shaine, you'll do the shots together with Jeyson. Make sure you'll take different angles so we could pick the best. Okay? Rick and I will choose what vegetables or fruits we're going to take. Devlin will be the one to cook since he's good with it. So, that's it! Let's get going." Napaamang ako sa narinig. Eh paano ako? Anong gagawin ko?

Akmang tatayo na sila ng pigilan ko sila.

"wait!" napataas pa ako ng kamay para lamang pansinin nila ako. Sabay na tumaas ang kilay ni shaine at sandy sakin. Marahil ay nagiinit nanaman ang dugo ng mga to.

"what?" mataray na tanong ni shaine.

"a-anong gagawin ko?" kabadong tanong ko.

She smirked. "oh! Yeah. I'm sorry, darling, I almost forgot you. Wait... magiisip ako ng kung anong pwedeng ipapagawa saiyo." Inilagay niya ang kaniyang kamay sa may baba niya na kunway nagiisip. Nagitla pa ako ng bigla siyang napapitik at ngumisi ng malapad sa akin. Oh ghad, this is bad. "since you're here, Vana. Ikaw na lang ang magiging taga-buhat ng mga kukunin naming gulay sa farm. So you should always stay with us at wag tatanga-tanga. Got it?" napahinga na lamang ako ng malalim at unti unting tumango. I've got no choice but to do what they say.

Isa isa silang humakbang palabas habang ako ay naiwan na may mabigat na loob. Akmang palabas na ako ng makita ko si nana sa may hamba ng pinto at mariing nakatingin sa akin. Pilit na ngumiti ako sakaniya ngunit siya ay umiling-iling at tumalikod na sa akin.

Damn. I'm so sorry Nana.

-

Itinaas kong muli ang hawak kong basket na punong-puno na ng mga gulay na aming gagamitin sa dish. Habang nadadagdagan iyon ay lalong bumibigat kaya nadudulas ang kamay ko, kung kaya't paulit ulit ko itong itinataas. Alam kong namumula na balat ko dahil sa sinag ng araw at pawisan na rin ako. Sana lamang ay hindi ako atakihin ng sakit ko...

"oh eto pa, Vana! Bilisan mo namang maglakad! Tsk." Napapadyak na si Ricky sa sobrang inis. Kaniya-kaniya silang hawak ng kani-kanilang payong dahil sa init ng sinag ng araw. Nagmadali naman akong maglakad dahil alam kong ako na lamang ang kanilang hinihintay. Di sinasadiyang napatingin ako sa pwesto nila Devlin na halos tagos kung makatingin sa akin. Napaiwas na lamang ako at ibinaba ang hawak na basket upang malagyan nila iyon.

"You know what? You shouldn't have come with us! Bukod sa panggulo ka lang dito, paimportante ka pa. Nakakairita yang presence mo ha, kaya umayos ka—"

"Sandy." Matigas na bigkas ni Devlin sa pangalan nito. Napayuko na lamang ako dahil sa paninikip ng dibdib. God, no. please, not now.

"fine! Let's go!" anito at hinila na ang mga kasama paalis.

"I'll bring this." Nagulat ako dahil naiwan pala si Devlin. Ngumiti ako at umiling.

"no need. Kaya ko naman—"

"I insist. And don't ever think I'm doing this for you. Tama sila, you're too slow, and you shouldn't have come with us. You're just a waste of time." Napalunok ako at yumuko.

"i-I'm sorry..."

He just 'tsk-ed' and carried the basket of vegetables at tumalikod. Naginit ang mga sulok ng mata ko ngunit pinigilan koi to. Akmang hahakbang na ako upang sumunod ng maramdaman ko ang pagnipis ng paghinga ko. Nahihirapan akong sumagap ng hangin. Hinaklit ko ang parteng dibdib ko at magaang minasahe. God, please, not now. I don't want him to know, just yet.

Ngunit nahihirapan na talaga akong huminga. Muli akong tumingin sa aking harapan ngunit wala na sila. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. Matuwa, dahil walang makakaalam ng tungkol sa sakit ko. Malungkot, dahil alam kong walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.

Napayuko akong muli kasabay ng paglandas ng masaganang luha sa aking pisngi. Nagiging malabo na ang aking paningin at nagsisimula na akong mahilo. God, please help me.





And everything went black.

🌸🌸🌸

IGS #1: THAT POSSESSIVE DEVIL  (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon