Chapter - 47

519 12 2
                                    








[Irish Pov]

Rooftop

"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong ko kang Zyry na ngayun ay naka hawak sa kamay ko...tumingin sya sakin at ngumiti at bumuntong hininga.

"Bago palang ako mag simula?..nabasa mo ba yung letter na binigay ko sayo?"paliwanag at tanong nya sakin..

Bata ba talaga yung kausap ko ngayun?...

"Oo bakit?"Sagot ko sa kanya bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko at tumingin sa kawalan.

"Pwes kong nabasa mo? Nalaman mo narin na hirap na si kuya Dan ngayun?" Seryoso nyang paliwanag!...si Zyry ba talaga to?..bakit ang mature  syang magsalita?..

Di na ako nagsalita at tumango lang habang naka tingin rin sa kawalan..narinig kong bumuntong hininga sya.

"Sometimes?..palagi akong pumupunta sa bahay nila kuya Dan..at sometimes din?..nakikita ko syang namumula yung mga mata nya.habang naka tingin sa phone nya..or else kong hindi ko sya nakikitang umiiyak?...nakikita ko naman sya ,naka handusay minsan  sa kama nya habang ang isa nyang kamay naka hawak sa  phone nya pero habang tinitignan ko yung phone nya?...biglang may nag text at ..nakita ko yung picture ninyong dalawa" paliwanag nya,di ko naman maintidihan yung nararamdaman ko..iwan!

"Nakikita ko talagang nahihirapan na sya...sabihin natin Doc na sinaktan ka ni kuya noon..pero simula na nangyari yun?,palagi ko nalang syang nakikitang tulala at nong mga panahon nayon? Doc?...first kong nakita si kuya na minsan lasing pag umuuwi sa bahay nila,at isa pa may mga pasa pa sya sa mukha" paliwanag nya ulit..habang sinasabi ni Zyry ang lahat nang nangyari kang Daniel noon?..diko maiwasang masaktan at ma guilty sa ginawa ko..


"Kilala na kita noon pa Doc Bae..kaya nong una ganon ganon nalang akong umastang maldita noon"sabi nya sabay tingin sakin.

"Hmmmm"wala ibang lumabas sa bibig ko kong di iyon..

"Kaya Doc bae?...kong naaalala muna si kuya?.,please sabihin muna bago mahuli ang lahat...diko ma sasabing mahal mopa si kuya pero kong totoosin?..mahal na mahal ka parin ni Kuya Dan..hanggang ngayun" paliwanag nya sabay yakap sakin at tumakbo na papalayo..

Shemay!! Wala kong nasabi sa batang yun!..parang matandang magsalita!..napa iling nalang ako habang naka tingin sa pintuan kong  san lumabas si Zyry..


" sasabihin ko rin sa kanya ang totoo Zyry..wag kang mag alala" sabi ko sa sarili ko.



*****

*House*

*Friday*

"Magandang umaga Irish" magalang na bati sakin ni manang.

"Same manang" masaya kong sagot..

"Nandito naba sila?..nag decorate naba?" Tanong ko kang manang.

" oo Irish kanina pa sila sa garden" masayang sagot nito..tumango nalang ako bilang sagot at pumunta muna sa kusina para uminom ng tubig.

"Oh Anak?,akala ko nandon ka sa garden" nagtatakang sabi ni mama,ngumiti lang ako at umiling..tumango naman sya sabay inom din ng tubig at humalik sa pisnge ko.

"Bye...pupunta kami mamaya" masaya nitong sabi..ngumiti lang ako at tumango habang naka hawak parin ng baso.

Hinay hinay akong pumunta sa garden upang tignan  ang nangyayaring dikorasyon.napa ngiti naman ako sa ganda ng pag ka organize ni kate.


Till I met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon