J E E P

8 0 0
                                    

Ang tagal kitang hinintay
Paulit ulit tumingin sa orasan
Palingon lingon sa kapaligiran
Nasaan ka na ba?

Sa bawat dumaan at lumampas
Inaasam ko'y ikaw
Ngunit nakachika na't lahat
Wala ka pa

Ayokong mabugnot
Ayokong mainis
Pero sa nangyayari
Hindi ako makatiis

Bakit nga ba ang tagal mo?
Ano pa bang hinihintay mo?
Ilang beses ka pa bang huminto't tumigil
Hanggang kailan mo ako balak paghintayin

Namimitig at nagagalit
Nahihirapan at nasasaktan rin
Ayaw mo ba akong makapiling?
Makasama sa iyong lakbayin?

Kahit masakit
Ipagpipilitan ko na rin
Dahil ikaw lang
Ang susi sa aking pagngiti

Maipamukha mo man sakin
Na ako ay paningit
Pikit mata na lang tatanggapin
Dahil sa dulo nama'y makaluluwag rin

- January 17, 2017

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon