*Surprise Guests*Glaiza's POV
Kinagabihan matapos ang taping ko sa Enca ay naisip kong daanan na din si Rhian sa kanyang taping sa SMP dahil alam kong hindi pa din naman sila tapos hanggang ngayon
Pagkadating ko sa location nila ay agad akong nagpark ng sasakyan ko at kinuha ko na ang mga dala ko pero bigla namang nagring ang cellphone ko
"Yes MK? Miss me?" Bungad ko kay Rhian. Sakto siya pala ang tumatawag
"Don't flatter yourself too much my wife .." sagot naman nito na medyo natatawa tawa
"I can flatter myself all I want, dahil alam ko namang talagang namimiss mo na ako" I said confidently
"Talaga? At pano mo naman nasabi aber?"hamon nito
"Coz you won't look at my picture for a good five minutes now kung hindi mo ako miss" pangbubuko ko at biglang natahimik ang kabilang linya
"H-how did you know?"
See? Hahaha
"Behind you.." yun na lang ang sinabi ko sakanya bago ko ibaba ang telepono ko
Nalaglag naman ang panga niya ng makita niya akong palapit sakanya bitbit ang paperbag na laman ang mga paborito niyang croissants
"Surprise!!" I said and kissed her on the forhead
Nanatili pa din siyang parang bato
"Wait may magic muna ako para sayo.." sabi ko dito at kinumpas kumpas ko kunwari ang kamay ko saka ko inextend ito sa likod ng tenga niya bago naglabas ng isang pink rose
"For you mi lady.." i said in sweet voice at mukhang ako pa ata ang mas kinilig kesa sakanya
"How did you get here? And what are you doing here? At tsaka paano mo nagawa yun? Marunong ka na talagang mag magic?" Mangha naman niyang tanong
"Nagteleport ako dito. Ginamit ko ang ivictus ko para makarating ako dito. Ikaw kasi masyado mo ata akong iniisip at namimiss kaya parang tinatawag ako ng puso ko na pumunta dito. Tsaka diba diwata nga ako? So I have all sorts of magic you know" kinindatan ko siya pero mukhang mas lalong nangunot ang noo nito
Obviously hindi naniwala sa mga alibi ko hahaha
"Oo na sige na! I came here because I miss you too. Tsaka gusto kasi na sabay tayong umuwi. I wanted to make sure na safe kang makakarating sa bahay niyo"
"Hah! So ikaw pala tong unang nakamiss sakin eh! And what about this? Hindi mo ako maloloko Glaiza. Alam kong hindi ka marunong magmagic" Iniangat niyang muli ang hawak niyang rose
"May inutasan lang ako na mabilis na magaabot sakin niyan kaya nagawa ko yun haha" pag amin ko at kumaway ako sa isang staff na nagabot sakin and mouthed my 'Thanks'
"Ikaw talaga kung ano anong klaseng trip na lang pumapasok sa utak mo!" Sabi nito na natatawa at pinalo sakin ang rose
Magkahawak kamay naman kaming pumasok sa loob ng tent niya para dun pagsaluhan ang mga dala ko
Habang inaayos ko ang pagkain namin ay bigla kong naitanong ang tungkol sa mission
"Nakita mo na ba yung mission natin sa WGM?"
"Hmm.. yeah nabasa ko nga kaninang umaga lang. May clue ka ba kung sino?"
"Actually wala.. pero alam mo kinakabahan ako sa ig.guest nila feeling ko huling araw ko ng mabubuhay sa araw na yun" I honestly said at umupo na sa tabi niya
BINABASA MO ANG
We Got Married(COMPLETED)
FanfictionBased on the Korean Reality Show 'We Got Married' Is it actually possible for two people to Fall In Love in a Role Playing Game?