Chapter 4

6.2K 265 15
                                    

*Mission No. 1*

Glaiza's POV

* 24 oras: Chicka Minute*

Iya V: Pumalo sa 60. 55% ang ratings ng Pilot episode ng pinaka bagong Reality Variety Show ng GMA na We Got Married kung saan tampok dito ang lead stars ng hit lesbian themed series na The Rich Man's Daughter na sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro. Alamin ang detalye sa chika ni Lhar Santiago

Lhar: Sky rocket ang naging ratings ng bagong reality variety show ng GMA na We Got Married. Ayon sa AGB Nielsen ang WGM ay nagtala ng 60.55% sa Mega Manila maging sa Central Luzon, Visayas at Mindanao. Malayo ito kumpara sa mga maging katapat na programa nito ngayon

Tampok dito ang mga dating lead stars ng hit lesbian themed series na The Rich Man's Daughter na sina Glaiza De Castro at Rhian Ramos

Marami ang kinilig at natuwa sa ipinapakitang natural chemistry ng dalawa at umani nga din ito ng samo't saring reaksyon mula sa mga netizens

Nakapanyam naman natin Rhian Ramos ukol dito

Rhian: nakakatuwa na ganun ang reaksyon ng mga tao dito sa show. Kasi katulad ng sa TRMD dati ineexpect namin na maraming hindi makakatanggap knowing na kami ulit ni Glaiza ang magkasama and now hindi lang mag girlfriend kundi bilang magasawa na, pero ngayon nakakatuwa kasi ang daming nagt.tweet samin whether dati na naming mga fans or kahit yung hindi na ang cute nga daw namin tignan. Na bagay nga daw kami and the such. So thankful ako na in general sobrang maganda ang feedbacks

Lhar: eh kamusta naman? posible bang mauwi din sa totohanan ang kunwariang relasyon o pagiging magasawa niyo ni Glaiza?

Rhian: Tignan na lang natin Hahaha. Ayoko namang magsalita ng tapos. I mean Glaiza is a really really great person and a very talented one as well. Wala kang hindi magugustuhan sakanya in and out. So let's see. Open naman ako sa lahat ng possibilities

We Got Married(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon