Chapter 23

3.5K 181 38
                                    

*Against All Odds*

Glaiza's POV

Hinatid na kami ng service van namin sa condo ni Rhian. Ito na ang pinakamalapit na pwede naming puntahan for the mean time kaya dito na kami dumiretso. Bago kami bumaba ay kinausap muna kami ng driver/staff ng WGM. Humingi lang ito ng tawad sa lahat ng nangyari samin ngayon and he also gave his word na iimbestigahan nila ang nangyaring insidente.

Sinamahan ko si Rhi sa unit niya, parehas naming inayos na muna ang mga sarili namin at tinulungan ko na din siyang gamutin ang mga galos niya sa braso bago ako nagpaalam

"Saan ka pupunta?"

"I just need to go somewhere. I know the staff already told us na maigiimbestiga sila about what happened pero maski ako ay hindi ko pwedeng palagpasin na lang ang pangyayaring to. Look at you. Kahit mga galos lang yan hindi ko parin maatim yung thought na nasaktan ka physically lalo na emotionally. Kailangan kong siguruhin kung tama nga ang hinala ko kung sinong may gawa nito"

Napakunot noo si Rhian sa sinabi ko

"Sino bang pinaghihinalaan mo?" She asked, confusion is written all over her face

"Si Ate Cris"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang hindi niya din kaagad naisip na marahil ay kapatid ko nga ang may gawa nito

"Pero MK matagal na niya tayong hindi ginugulo. I don't think na siya ang may gawa nun. Tsaka isa pa diba sinabi mo noon na hanggang salita lang naman ang kapatid mo at hindi naman niya tinototoo ang mga banta niya?"

She's right, matagal na nga na hindi kami pinapakielaman ng kapatid ko ever since I won the award of being the Teleserye Actress of the Year. Hindi na din niya pinapakielaman ang mga bagay na may relation sa WGM at ni hindi na niya ako sinasaway sa tuwing nagiging sweet kami ni Rhian on cam. Inisip ko na marahil ay sumuko na ito sa pangongotra samin sa pagaakalang napatunayan ko na talaga kung gaano kalakas ang loveteam namin ni Rhian

"Gusto kong isipin na ganun nga MK, pero hindi ko maialis yung kutob ko na baka may kinalaman siya dito" I admitted

"Gusto mo bang samahan na kita?" She suggested. But I refused quickly, ayokong madamay siya at ayokong makita niya na muli kaming magkasagutan ng kapatid ko dahil sakanya

"Hindi na. It'll be better if you stay here and rest. Baka pag initan ka din ni ate pag nagkita kayo. I'll go ahead "

I kissed her forehead saka ako tumayo para umalis

"Glaiza.."I heard her called out

Lumingon ako sakanya at patakbo siyang lumapit sakin at hinalikan ako ng mariin

"I love you.." she uttered after the kiss and it automatically sends thousands of voltages into my heart, that in an instant I became energized with just those three words from her

I held her face and brush my thumb against her cheeks

"I love you too" Muli ko siyang hinalikan sa labi at sa noo saka ako tuluyang umalis

----------

Nagmaneho ako papunta sa opisina ng kapatid ko. Hindi na ako nagpaabiso sa sekretarya nito na pupunta ako dahil ayoko ding malaman ni ate. Mabuti na kung magkagulatan kami

We Got Married(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon