Chapter 21

3.9K 197 13
                                    

*Parenting 101 pt.2*

Glaiza's POV

Kinabukasan, nauna akong magising kesa kila Rhian at Steffi. Hindi na muna ako bumangon agad dahil sayang saya pa ako na pagmasdan ang mag ina ko.

MAG INA KO.

CAPSLOCK PARA DAMA

Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maitago yung sayang nararamdaman ko simula nung dumating samin kahapon si Steffi

Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng isang anak

I feel complete

Nandun ulit yung mga paru parong nagliliparan sa kaloob looban ko, yung ngiti ko abot hanggang tenga, stretch kung stretch ang pagkakangiti, para bang yung saya ko eh parang pinagsabay sabay na, birthday ko, christmas, new year, at araw na sinagot ako ni Rhian

Ganun..ganun ang fulfillment at happiness ko ngayon

Partida hindi pa namin tunay na anak ni Rhian yan. What more kung tunay na galing na sa dugo't laman namin ang bata? Baka mamaya permanente ng mahatak ang mga muscles sa bibig at pisngi ko at manatili na lang akong nakangiti for the rest of my life

I don't mind though.

Sanay na din ang katawan ko na pagmulat ng mata ko ay may isang balingkinitang katawan ang nakayapos at nakasiksik sakin. Pero ngayon, I also don't mind if there's a little space between us because of our little angel

Nakatitig lang ako sakanila habang mahimbing pa din silang natutulog, napakaganda nila parehong tignan dahil parehas na parehas pa sila ng itsura pagtulog. Nakayakap si Rhian sa may bewang ni Steffi, samantalang si Steffi naman ay nakayakap sa panda stuff toy niya, parehas nilang inuunanan ang mga braso nila at parehas pa silang slight na nakanganga

Cute diba?

Palihim ko naman silang kinunan ng picture sa cellphone ko saka ko ito ginawang wallpaper

Napakagandang tignan na inspirasyon nito sa trabaho kung sakali . Yung tipong tignan mo lang picture nila, tanggal lahat ng pagod ko, daig ko pang nakainom ng Kopiko 78 sa sobrang energized

Matapos ko silang dahan dahang muling halikan sa noo ay bumangon na ako.. pero hindi pa man ako nakakababa ng kama ay may naramdaman na akong humigit sa damit ko

Nilingon ko ito at sinalubong na ako ng napakatamis na ngiti ng anghel namin

"Good morning princess..let's go down first at hayaan na lang muna nating matulog si mommy Rhi ha?" Mahina kong sabi dito para hindi magising si Rhi

Sumama naman siya agad sakin at bumaba na kami para maghanda ng breakfast

Iniupo ko muna siya sa high chair niya habang nagkakalikot ako ng ref

I decided to make some scrambled egg, bacon, vegetables salad at pancakes para samin

Paminsan minsan ko namang tinitignan si Steffi habang nagluluto ako. Buti naman at tahimik lang siyang naglalaro sa high chair niya

Nang matapos ay dinala ko sa may sala ang mga pagkain namin dahil si Steffi ay kasalukuyan ng napako ang tingin sa TV dahil nakita niya ang palabas na Barney

We Got Married(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon