Prologue

84 6 1
                                    

Naglalaro ako nang mag-isa at kasama lamang ang mga laruan ko na Barbie sa veranda ng aming bahay. Laking gulat ko nang mayroong paparating na Lipat Bahay Truck na huminto sa tapat ng bahay namin. Kasunod ng truck na 'yun ay ang isang itim na Ford Ranger na kotse na huminto rin kasunod ng truck na nabanggit ko.


Sumilip ako mula sa gate namin dahil sa curiosity ko kung sino ba ang bagong lipat na pamilya sa tapat ng bahay namin. Sa pagsilip ko mula sa aming gate, sakto rin na bumukas ang pinto ng kotse mula sa shotgun seat at lumabas ang isang babae na sobrang sopistikada ng aura, kasunod niyang inalalayan ang bumabang batang lalake sa passenger's seat na parang kasing edad ko lang din. Cute siya, maputi, at mukhang mayaman din ang pamilya niya katulad namin. Bumaba na rin mula sa driver's seat ang isang lalake na mukhang ito ang padre de pamilya nila.


Na-excite ako knowing na mayroon na akong kalaro. Sa tagal kasi nang paninirahan namin dito sa exclusive subdivision na ito, never manlang ako nagkaroon ng kalaro. Laging mga barbie dolls, coloring book, at doll house lang ang laging mga kasama ko.


Only child lang kasi ako tapos si Mommy ay lagi namang busy sa buiness niyang coffee shop kaya walang time para nakipaglaro sa akin. Si Daddy naman ay lagi rin wala sa bahay at minsan ko lang rin nakikita, Chief Engineer kasi si daddy sa barko kaya mga tatlong buwan ko lang siyang nakikita sa loob ng isang taon dahil sa kontrata niya sa barko.


Kinabukasan, kinuha ko ang bike ko na hot pink ang kulay para pumunta sa paboritong lugar na lagi kong pinupuntahan na makikita sa loob lang rin ng subdivision na 'to. Gusto ko rin sana kausapin yung bago naming kapit-bahay kaso wala naman siya sa labas kaya dumiretso na lang ako sa paborito kong lugar.


Hindi naman ganun kalayuan ang lugar na 'yun kaya nakarating din ako kaagad.


Sa lugar na 'yun, mayroong nakapaskil na "No Trespassing" pero kahit ganoon pinapasok ko pa rin ang bakod nun sa pamamagitan ng ladder na nakakabit sa gilid ng lupain na 'yun. Simula kasi noong 7 years old ako, nakagagawian mo na ang pumunta sa lugar na 'to at wala pang nakakabit na "No Trespassing" sign noong mga panahon na 'yun. Weird nga rin talaga eh kasi naglagay sila ng signage dito pero mayroon pa rin namang ladder sa gilid na parang it's teasing you na akyatin pa lalo ang bakod nito. Kahit sa loob at paalis ka na, mayroon pa rin ditong hagdan para madali kang makalabas ng bakod.


Pagdating mo sa loob ng lugar na 'yun, sobrang ganda ng mga makikita mo. May mga puno pero hindi gloomy tignan, may ilog din dun na sobrang linis, maraming prutas at bulaklak na mula sa mga tanim at puno na naroroon. Malawak ang saklaw ng lupain na 'to, hindi mo matatanaw ang hangganan nito.



Sobrang relaxing ng ambiance rito kaya naman gustong-gusto ko pumunta dito.


Kinahapunan ay nakaramdam na ako ng gutom kaya naman naisipan ko na bumalik na sa bahay namin para kumain ng meryenda na hinahanda lagi ni yaya. Inakyat ko ang ladder at agad na kinuha ang bike ko at bumalik na papuntang bahay. Habang nasa gate ako, tumingin ako sa bahay ng kapit-bahay namin at nakita ko na naroroon sa balcony ng bahay nila yung batang lalaki na kasing edaran ko lang. Nagtama ang aming mga mata kaya agad ko siyang nginitian, nalungkot lang ako dahil hindi niya ako nginitian pabalik. Inisip ko na lang na baka nahihiya lang siya sa akin kaya ganoon.


Binuksan ko na agad ang gate namin at agad-agad na pumuntang kusina para maghugas ng kamay. Pagkatapon nun, umupo na ako sa table at hinainan na ako ni yaya ng isang baso ng gatas at chocolate chip cookies na gawa ni Mommy. Paborito kong snack ang chocolate chip cookies na gawa ni Mommy, sobrang sarap kasi talaga nito at hindi ito mapapantayan ng ibang mga cookies na natikman ko. Baker kasi si Mommy kaya nga nagtayo siya ng coffee shop kasi pangarap niya raw 'yun simula pa noong bata siya.

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon