Chapter 2

68 4 0
                                        

"Can't you see it that I am ready seeing someone?" ani ng lalakeng mahigpit na hinahawakan ang palapulsuhan ko.

"Oh, come on! Hindi ka papatol sa ganyang klaseng babae, alam ko ang type mo Jayden!" sagot naman sa kanya nung babae na kaharap niya na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

Mukhang mayaman at sosyalera ito, katulad din nung lalaking nakahawak sa palapulsuhan ko.

Pero teka lang ha! Gaga 'to ah, ano gusto niyang palabasin? Ang offensive niyang pota siya ha!

"Oo Therese, alam mo nga ang mga type ko at hindi 'yun ang mga katulad mo!"

Therese pala pangalan ni ate girl kaya pala ang sarap tirisin.

Nagulat ako nang biglang itulak ako ng lalaking 'to sa pader at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Gusto ko siyang itulak pero nanlalambot ang mga tuhod ko sa kaba.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Potaena, ito na ba ang first kiss ko? At sa hindi ko pa talaga kilala.

Lord, baket naman?!

"Fuck you, Jayden!" malakas na sigaw ng babae sabay hagis ng hawak-hawak niyang Iced Coffee sa lalaking 'to at tsaka ito umalis.

Ramdam ko ang galit at lungkot ni ate girl dahil nakita ko na nangingilid na ang luha niya sa kanyang mga mata.

Deserve niya 'yun for degrading me a while ago, nako!

Natanggal na rin sa pagkakahawak ang lalaking ito at agad na pinagpag ang kanyang blue na polo. Pota rin talaga, pati ako natalsikan ng mamahaling kape na 'to.

"Holy Shi-" hindi na natuloy ng lalaki ang pagsasalita habang patuloy pa rin sa pagpapagpag dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Eto, mas mapapa-holy shit ka!" sabi ko matapos ko siyang sampalin nang malakas. "How dare you! Ang kapal ng mukha mo para idamay ako sa away niyo eh hindi ko naman kayo kilala!"

"Sorry, I don't have any other choice." He whispered softly.

Napakunot ang noo ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"And what, balak mo pa ako nakawan ng halik. Manyak ka!" sumabat ko sa kaniya.

He chuckled and rolled his eyes as I said those words sa kanya.

"You really think that I would kiss you?" He started to silently laugh again, grabe nakaka-irita siya. "You have chappy lips, why would I?"

Mas nairita pa ako lalo sa sinabi niya. Taragis na 'yan, pareho silang laitera nung babae kanina ha. Grabe, ang kakapal talaga ng mukha! Kotang-kota na sila sa akin.

Gusto ko siya gantihan pero nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras sa relo ko.

"Putangina 9:50 na pala, tabi nga!" tinabig ko siya pero pilit niya pa rin ako hinarangan kaya naman inirapan ko siya while my arms are crossed.

"Alam mo may lahi ka rin na paepal 'no?" binangga ko siya at patuloy nang nilagpasan.

"Let me treat you for dinner or ihatid ka manlang?" sigaw niya sa akin.

Napahinto ako sa sinabi niya dahil nagningning ang tenga ko salitang "libre". Pero NO, hindi pwede! Hindi sa lalaking 'to.

Nilingon ko siya at agad siyang inirapan.

"Dinner mo mukha mo, manyak!" inalis ko na ang tingin ko sa kanya at agad nang tumakbo dahil malapit na ako masaraduhan ng dorm.

"Aye, nakabili ka na ba ng pinapabiling libro ni Doc?" tanong sa akin ni Denise na blockmate ko habang kumakain kami ng kwek-kwek sa daan.

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon